^

PSN Opinyon

Walang secret deals sa China -- DFA

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Wala raw transparency ang Duterte administration sa pata­karan sa West Phl Sea ani ex-President Noynoy Aquino at Vice President Leni Robredo. Pumalag agad si Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano.

Ani Cayetano, walang inililihim sa taumbayan tungkol sa pakikipag-ugnayan sa China o sa anumang bansa. Aniya, lahat ng meeting niya at ni Presidente Duterte sa mga pinuno ng China tulad ni President Xi Jin Ping, Chinese Premier Li Kequiang ay may mga record at hindi iti­natago sa publiko.  

Nakapagpaliwanag na ang Kalihim sa Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno pati sa media sa kanilang mga ginagawa para pangalagaan ang ating soberenya sa West Phl Sea. Di kuntento sa paliwanag si Noynoy.

Ang hamon ni Cayetano kay Aquino: ipaliwanag kung bakit nawala ang kontrol ng Pilipinas sa Scarborough Shoal noong 2012 at kung ano ang papel ni Sen. Trillanes sa pakikipagnegosasyon sa China noon. Noong, mala­yang nakakapangisda ang mga Pilipino dun. Pagkatapos ng Scarborough Stand-off, nakontrol na ng China ang naturang fishing ground at nagdusa ang mga Pilipinong mangingisda. Bakit?

Ani Cayetano, patuloy nilang ipinaglalaban ang kara­patan ng Pilipinas sa West Philippine Sea ngunit iba ang kanilang paraan para maabot ito.  Aniya malaki ang epekto ng magandang relasyon ng RP-China sa turismo at ekonomiya ng bansa bukod pa sa paghupa ng tensyon sa West Philippine Sea. 

Tatlo sa apat na sovereign rights” na nakapaloob sa Arbitration ruling ay napapakinabangan ng mga Pilipino sa ngayon. Una, nakabalik na sa pangingisda ang ating mga kababayang mangingisda sa Scarborough Shoal. Pangalawa, ang pagkakaroon ng Agreement of Safety of Life at Sea kung saan maaring magbigay ng proteksyon sa ating mga mangingisda kapag may bagyo o iba pang sakuna.

Pangatlo ay ang pagkakaroon ng marine environment protection agreement para pangalagaan ang mga yamang dagat. Ipinagbabawal na rin ang panghuhuli sa mga isda at malalaking clam sa mga breeding ground.

vuukle comment

LENI ROBREDO

NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with