^

PSN Opinyon

Ang mga bagong partido sa pulitika

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ay siguradong tuloy na ang election sa Mayo 2019 kaya maraming bagong partido ang magsusulputan.  Matunog ngayon ang itinatag ni Davao City Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HnP). At sigurado ako unti-unting lalakas yan sa partido dahil malakas ang hatak niya sa mga pulitiko. Parang hindi naman natin kilala ang mga pulitikong ‘yan. Masasabi ko 90% dyan ay mga balimbing di ba?  Kung sino ang nasa posisyon ‘yun ang matunog na partido. Malakas ang hatak ng kay Mayor Sara Duterte dahil sabihin na nating anak ng Presidente.

Sigurado ko ang mahigpit na magkatunggali sa darating na halalan ay ang Liberal Party (LP) at ang Hugpong ng Pagbabago dahil karamihan sa miyembro ng PDP-Laban ay magsisipaglipatan sa partido ni Mayor Sara. Siyempre tahimik pa ang mga ‘yan sa ngayon pero sigurado marami na ang nagpaparamdam.  Ang LP matatag na partido yan, marami man ang bumalimbing noong nagpalit ng Presidente pero mas marami pa rin ang naging loyal sa partido.  Unti-unti ng napipilayan ang PDP-Laban.  Marami na ang nagbabalak kumalas. Mismong pinuno nga ng partido ay tinanggal ng mga miyembro nila, kaya kutob ng nakararami mahina na ang partido ni Sen. Koko Pimentel at Rep. Pantaleon Alvarez.

Kahit na matunog ngayon sa mga mambabatas na magsisilipatan ng partido ay huwag naman na sanang isipin na palitan na rin ang ating Constitution.  Gaya ng sinabi nang marami, maganda ang pagkakagawa ng 1987 Constitution kaya walang dahilan pa para ito ay palitan. Ang Con-Ass para sa akin ay mga miyembro lang ng Kongreso ang nagtutulak dyan. Pero pagdating sa Senado ay mahigpit nilang hihimayin yan.

Di bale nang maraming partidong pulitikal ang magsulputan basta’t matuloy lang at malinis ang darating na 2019 elections.

vuukle comment

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with