^

PSN Opinyon

Taga-Mindanao ako

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

TOTOO may tinatawag kaming differences sa isa’t isa na nangyayari naman sa ibang rehiyon ng bansa. Talagang may panahon na may di pagkakaunawaan ang mga tao saan man naroroon.

At totoong hanggang ngayon ay hinahanapan pa rin ng solusyon ang matagal nang nais makamtang ‘elusive peace’ para sa Mindanao.

Nandun naman ‘yong sinasabing threat sa terorismo na nangyayari naman kahit na sa London, New York, Paris at sa iba pang bansa. 

May iba namang pilit talagang pinipinta ang Mindanao na magulo at walang kuwentang isla sa katimugan ng bansa. 

Ngunit hindi naman ibig sabihin na hindi kayang umahon ng Mindanao sa lahat ng mga negatibong feedback na binabato rito. 

Ngunit higit sa lahat may “unity in diversity” kaming umiiral dito sa Mindanao.

Kahit paano ay may peaceful co-existence naman kami sa aming kapwa Mindanaoan. 

Subukan n’yo namang dumalaw sa Mindanao na masyado n’yong minamaliit at inalipusta.

Ang yaman ng Mindanao, mapakultura at tradisyon man, na silang naging come-on para sa mga turista galing pa sa ibang bahagi ng bansa at maging sa ibang bansa. 

Kung tutuusin mabubuhay ang Mindanao kahit na wala ang Luzon at Visayas.

Tinatawag ngang “food basket of the Philippines” ang Mindanao dahil sa masaganang ani nito mapa-prutas, gulay o bigas at kahit na ang mga tinatawag na high-value crops na top exports ng bansa gaya ng saging at pinya at iba pa. 

Sinasabi nga kung magsumikap lang dito sa Mindanao ay mabubuhay ka. 

Kaya nga nasa Mindanao ako ngayon. 

Taga-Mindanao ako. 

Proud Mindanaoan.

 

vuukle comment

MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with