^

PSN Opinyon

Para sa ating kaalaman

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG limang tumayong pinuno ng ating mga matataas na kagawaran ng pamahalaan mula 2016 ay isa isa nang nagkakalagasan. Nauna na si Senador Aquilino Pimentel, III, dati’y Pangulo ng Senado. Napalitan na ni Senate President Vicente C. Sotto, III. Kasunod ay ang pagtanggal kay Punong Mahistrada Ma. Lourdes P.A. Sereno na, hanggang ngayon, ay hinahanapan pa ng kapalit. At, ito na ngang huling pagposisyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Speaker kapalit ni Congressman Pantaleon Alvarez.

 Si Vice President Leonor Robredo, mula nang nag-umpisa ang termino, ay hindi pa masigu-siguro ang kalagayan dahil sa mabigat na protesta ni Senador Bongbong Marcos. Kung kaya, sa lima nating mga Pinuno, tanging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nalalabing matibay.

 Hindi na puros Mindanawon ang ating mga lider. Si Speaker Macapagal-Arroyo ay taga Pampanga. Si Senate President Sotto ay taga Quezon City na may ugat sa Cebu. Kung kaya parang LuzViMinda ang nangyari ngayon sa ating Executive at Legislative branch.

 Ang pag-angat ni Speaker GMA sa puwesto ay hindi naman kauna-unahang beses na isang dating Pangulo ay nahalal sa iba pang posisyon sa pamahalaan. Una nang nangyari ito kay Pangulong Jose P. Laurel, Presidente noong panahon ng giyera. Nang 1951, tumakbo ito at nanalong Senador. Si GMA ay ang pangalawang ex-President na tumakbo sa mas mababang posisyon nang ito’y nahalal na Kongresista ng Pampanga. Pangatlo ay si President Joseph E. Estrada na ngayo’y halal na alkalde ng Lungsod ng Maynila.

 Ang maituturing na first dito ay ang paghawak niya ng pangalawa sa tatlong malaking kagawaran – ang Lehislatura ngayon pagkatapos niyang pangunahan ang Ehekutibo. Kung tutuusin ay marami na rin ang humawak ng liderato ng Lehislatura bago naging Pangulo subalit ito ang nagamit nilang daan upang mailuklok sa Malacañang, hindi tulad ni GMA na baligtad ang nangyari. Sina President Osmeña at Roxas ay dating Speaker. Sina President Roxas, Macapagal at Marcos ay dating mga Senate President.

VICENTE C. SOTTO III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with