^

PSN Opinyon

Rep. Zarate atbp, ‘wag palaging kontrabida

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BILANG mamamahayag ay tumutuligsa tayo sa mga dapat tuligsain ngunit binibigyan din naman ng komendasyon at pagsuporta ang mga positibong programa ng gobyerno. Critical collaboration wika nga. Ngunit bakit ba ito si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at ang kanyang mga kasamahang makakaliwa ay laging kontra kahit ang proyekto o programa ay para sa ikabubuti ng bansa? 

Ani Zarate at ng Makabayan bloc: wala raw natupad na campaign promise si Presidente Duterte. Pulos daw mga mahihirap na adik ang nahuhuli habang ang mga malalaking isda ay patuloy na naghahasik ng lagim sa war on drugs ng administrasyon.

Maganda ang programa ng Department of Health (DOH) na magtayo ng estasyong pangkalusugan sa bawat barangay. Pero si Zarate ang humahadlang sa implementasyon nito.

Sa issue ng water utility, may pagtuligsa rin si Zarate. Nagsumite ng petisyon para sa rate adjustment ang Manila Water at ang Maynilad sa Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS). Kinukumbinse ni Zarate ang MWSS na ibasura ang nasabing petisyon. Hindi ba naisip ni Zarate na ang mga mamamayan ang mabibiyayaan kapag patuloy na gumanda ang serbisyo? 

Tungkol sa kontrobersyal na usapin ng power supply deal ng Meralco, si Zarate na lamang ang hanggang nga­­yon ay nakatutok sa usapin. Inaatake niya ang Energy Regulatory Commission (ERC) at pinagpipilitang pina­boran daw nito ang Meralco. Samantalang wala pa namang desis­yon ang ERC sa usaping ito. Kinakaladkad niya ang Meralco, bilang ito ang pinakamalaking distri­butor ng  kuryente sa bansa, kahit hindi lamang ito ang nakinabang sa karagdagang palugit na ibinigay ng ERC. Kung siya ay totoo sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang mamba­batas, hindi ba’t dapat suportahan niya ang anumang bagay na makabubuti sa mga Pilipino?

vuukle comment

CARLOS ZARATE

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with