^

PSN Opinyon

Leptospirosis, nakamamatay na sakit

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI na biro ang tinamaan ng leptospirosis sa buong bansa. Mahigit 100 na ang namatay at mahigit 1,000 ang naka-confine sa National Kidney Transplant Institute (NKTI). Umpisa pa lamang ng tag-ulan. Mahaba-haba pa naman ang panahong ito. Marami pang bagyo at ulan ang parating kaya puro baha ang ating daranasin. Sana naman habang maganda ang panahon ay apurahin o mag tulong-tulong tanggalin ang mga basura sa ating paligid. Panatilihin nating­ malinis ang ating lugar dahil alam naman nating lahat kapag may basurang pakalat-kalat ay may pesteng daga.

Nakakarimarim tingnan ang tubig-baha. Naghalu-halo na rito ang dumi ng tao, ihi ng daga at katas ng mga basura. Nakababahala dahil nu’ng nakaranas tayo ng pagbaha ng nakaraang linggo sa Metro Manila, ginawa namang swimming pool ng mga tao lalo na ng mga bata ang kalsada. Hindi nila alintana ang mga sakit na dadapo sa kanila pag­katapos nilang mag-swimming sa baha.

Sana naman ay naisip ng mga magulang ng mga batang nag-swimming na delikado ang ginawa ng kanilang mga anak. Hindi man lang sinaway, bagkus ay pinabayaan pa kaya hindi maubos-ubos ang mga pasyente sa NKTI dahil sa mga pasaway nating kababayan. Dapat ay sumagi man lang sa kanilang isip na kung maaari ay bawal ang magkasakit sa panahong ito. Bakit? Akala ba nila na porke’t may mga libreng ospital ang gobyerno ay hindi na sila ga­gastos? 

Para sa akin, sa ating mga mamamayan din galing kung bakit laganap ang nakakamatay na leptospirosis. Kung sana’y napapanatili nating malinis ang ating kapaligiran, hindi sana tayo nakakaranas ng pagbaha. May baha man pero walang leptospirosis dahil tuluy-tuloy ang daloy ng tubig sa mga estero at ilog.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with