^

PSN Opinyon

Droga, droga, droga

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAY warning si Boss Digong sa mga drivers ng bus kasi kaila­ngan nilang magpa-drug test before a long trip drive para malaman ang baho este mali kondisyon pala nang kanilang katawan kung sila ba ay naka-droga o hindi.

Hindi kasi biro ang mga nangyayaring sakuna sa kalsada na kadalasan mga dambuhalang bus ang problema.

Sabi nga, kawawa naman ang mga naaaksidente.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natunugan na rin ni Boss Digong ang kadalasan palang palusot ng mga bus drivers kapag naaksidente sila dahil tiyak ang sasabihin ng mga ito ay ‘nawalan sila ng preno kaya sila naka-disgrasiya.’

Utos ni Boss Digong ‘no drug test, no driving policy,’ sa mga long trip bus drivers.

‘Hindi tripping sa droga ha?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Korek, ang policy ni Boss Digong sa mga ahensiya ng gobierno na may kinalaman sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan partikular ang mga bus.

Hindi na rin puede ang mga istilo na isa lang ang magmamaneho ng bus kapag mahaba ang biyahe nito kailangan may kasama pang extra driver.

Kaya tuloy may mga disgrasiyang nangyayari dahil sa pagod ng isang driver sa mahabang biahe. May mga nakakatulog samantala kung under the influence of drugs naman ang gago napakaraming buhay ang papatayin nito.

Kaya kailangan ang drug test bago sumakay ng kanyang kabayo este mali sasakyan pala para maka-biyahe.

Ano sa palagay ninyo?

Kambiyo isyu, winarningan ni Boss Digong na tatanggalin o suspension ang aabutin ng isang Barangay officials na may talamak na drug - related crimes sa kanyang area of responsibilities.

Tirada ni Boss Digong, dapat silang magsalawal este mali magpaliwanag pala ang mga barangay kapitan sa DILG kapag hindi normal ang takbo sa kanyang barangay dahil sa dami ng mga gumagamit ng droga dito with matching iba pang mga crimes.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagpapaliwanagin muna ang mga barangay kapitan para malaman kung bakit matindi ang krimen at drug - related problem sa kanyang AOR kaya hindi muna sila dapat sibakin sa puwesto.

Bago ang barangay election noong May 14, naglabas si Boss Digong na narco-list ng mga barangay officials na sangkot sa droga sa kanilang mga lugar.

‘May mga nanalo dito at may mga natalo naman!’ sabi ng kuwagong manghihilot.

Ano ngayon ang mainam sa mga ito?

Hulihin at ikulong!

Abangan.

DENR versus plastic?

HINDI lang dapat sa Boracay island ipagbawal ang mga single-use plastic items para mabawasan ang problema sa basura.

Bakit?

Dapat ipatupad ito pati sa Metro - Manila at mga probinsiya dahil hindi biro ang baha dito dahil na rin sa dami ng basura at mga plastic na nakukuha sa mga imburnal, ilog, dagat, tatsi este echetera pala.

Kasi naman tons of trash ang nahahakot saan man lugar sa Metro - Manila at karatig pook hindi lang mga grocery bags, toothbrush, bottled water, sachets ng shampoo at condiments, soap wrappers kundi pati mga sirang telebisyon, sofa, palanggana, ref, sapatos at napakaraming iba pa.

Sabi nga, name it at makikita mo ito sa mga ilog at karagatan sa Metro - Manila.

Bakit sa Boracay lamang ipagbabawal ang mga single use plastic items?

Pag-aralan muna ng DENR bago sila magsalita!

Abangan.

vuukle comment

BOSS DIGONG

DRIVERS NG BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with