^

PSN Opinyon

PDEA: May media sa narco-list

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ILANG kayang medyas este mali media ang tinitiktikan ng PDEA dahil ibinalita nila sa updated narco-list na hawak daw nila ay may mga nauntog silang pangalan na gumagamit ng droga.

Bakit ayaw nilang pangalanan?

Raw kaya ang impormasyon nila?

Kung positive hulihin na nila ang mga ito para hindi naman madawit ang mga media na hindi gumagamit ng droga.

Marami diumano ang kasama sa updated narco-list may mga kongresista, judges, elected government officials ‘ma­yors, barangay officials, government workers.

Karamihan sa mga sabit ang mga pangalan lalo na ang mga elected government officials ay mga ‘coddlers’ daw?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi pa ng PDEA, mas lomobo ang dami ng bilang ng mga nasa narco-list.

Ika nga, doble!

Sa ngayon may mga kasamang government agencies ang nag-cross - check at nag-revalidate sa mga pangalan nasa narco-list.

Sabi nga, dalawang linggo pa matatapos ang re-validation of names.

Sana pag-ok na ilabas na ang mga pangalan nila at kung may ebidensiya ay hulihin at ikulong.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

* * *

Salisi huli sa NAIA

SIGAWAN, TAKBUHAN at harangan ang nangyari sa NAIA ng isang salisi member ang hinabol dito dahil sa pagtangay ng isang cellphone habang kinakargahan ang baterya nito dahil lowbat.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang akala ng isang Jericho Baldonado ay hindi siya aabutan sa takbuhan ng mga policemen na humahabol sa kanya kahit animo’y sprinter ito sa track and field pero ang hindi niya alam batak ang mga humahabol sa kanya sa exercise kaya naman nahuli siya ng masupot ito sa isang corner lot.

Tuwang - tuwa naman ang ninakawan dahil nahuli ang ungas na magnanakaw ng cellphone niya at naibalik sa kanya ng mga authorities.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nananawagan si MIAA general manager Ed Monreal sa lahat ng mga magtutungo sa NAIA na magmatyag at ingatan ang kanilang mga kagamitan dahil hindi lahat ng oras ay masusupot ang magnanakaw.

Ika nga, natsambahan si Baldonado dahil mismo ang may-ari ng cellphone ang nakakita dito nang dakmain niya sa cellphone charging station ang telepono.

‘Ano ang dapat gawin para hindi na ito maulit pa?’ tanong ng kuwagong hinapo.

Sagot - ingatan at bantayan ang mga gamit!

vuukle comment

DRUG NARCO-LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with