^

PSN Opinyon

Mga abogado subject ng patayan?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TIGOK on the spot ang isang lady fiscal ng Ombudsman at anak nitong nasa sinapupunan matapos itong saksakin ng mga sabog sa drogang mga holdappers habang nakatayo ang bebot sa isang lugar sa Kyusi.

Karumaldumal ang sinapit ni Atty. Madonna Joy Ednaco-Tanyag sa kamay ng mga buhong na kriminal dahil nagtamo ito ng maraming saksak sa katawan pati ang pinagbubuntis niya ay dedbol din.

Sabi nga, mga walang kaluluwa ang mga demonyo!

Si Atty. Madonna, ay bagong talagang Assistant Special Prosecutor sa OMB ng tirahin ito the other day sa isang lugar sa Visayas Avenue Barangay Vasra, Kyusi.

Halos mag-iisang buwan pa lamang ay tinira rin ng mga kriminal si Kyusi Deputy Prosecutor at Chief Inquest Rogelio Alfiler Velasco, dyan sa Holy Spirit Drive, Barangay Holy Spirit.

Sabi nga, niratrat ito sa kanyang sasakyan.

Dead on the spot ang dalawang abogado kaya naman hiling ng kanilang pamilya ay hustisiya!

Bakit kaya marami ang pumapatay ngayon?

Wala bang police visibility?

Hindi ba takot ang mga kriminal?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi ang monitoring sa ginagawang imbestigasyon sa CCTV cameras sa mga lugar na pinanggalingan o iniskapuhan ng mga salarin habang kinikilala sila ng mga alagad ng batas.

Yesterday, ay nasungkit ang person of interest sa kaso ni Atty. Madonna pero hindi naglaon sa matinding pagsisiyasat lumalabas na isa na itong suspect.

Hinahanap pa ng mga autoridad ang kasamahan ng gagong ito dahil ikinanta niya ito sa pulisya kung sino ito.

Ika nga, itinuro.

Dapat isang malalimang imbestigasyon ang gawin para malaman kung ano talaga ang dahilan ng pagpatay sa kanila.

Abangan.

Pulisan huli sa droga

Kahit mabigat ang order ni Boss Digong na hulihin at ikalaboso ang lahat ng madlang people na sangkot sa droga ay parang iniisnab ito ng ibang adik at pushers kasama ang mga pulis adik.

Sabi nga, dumarami ang adik na pulpol na pulis na nasusungkit ng mga kabaro nila.

The other day isang bebot na si  PO3 Lyn Tubig, 38-anyos, pulis matulis sa 44th Battalion sa Camp Bagong Diwa, BFF niyang si John Vincent German, 21, at erpat ng huli na si Fernando German, ay nahuli ng mga alagad ng batas.

Bakit?

Sagot - tsumo-tsongki ng shabu!

Kaya himas rehas sila ngayon at masisibak pa sa pagka-pulis si Lyn.

Buti nga!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-pulis pa gusto lang pala maging adik na pulis ang gaga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga ganitong pulis na sabit sa droga ay dapat mas mabigat ang parusa hindi puedeng kapareho lamang ng mga adik na civilian.

Bakit naman?

Kasi nga, ang mga pulis na lulon sa droga ay mga sira na ang ulo.

Wala na silang kinabukasan ang gusto na lamang ng mga pulis na adik ay suminghot ng floor wax este mali droga pala.

‘Ano ang mainam kay Lyn?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Korte lang ang makakasagot niyan dahil sila ang hahatol!

Abangan.

vuukle comment

ATTY. MADONNA JOY EDNACO-TANYAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with