^

PSN Opinyon

Relasyon sa pagitan ng Pilipinas at SoKor

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

SEOUL, South Korea - Nandito ngayon sa Seoul si Pre­sident Duterte para sa tatlong araw na official visit mula June 3 to 5. Ang South Korea ay may tinatayang 68,000 overseas Filipino workers.

Sisikapin ng Presidente na pagtibayin ang diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa one-on-one meeting niya kay South Korean President Moon Jae-in na kung saan marami silang pag-uusapan at isa na roon ay ang pagnanais ng South Korea na makatulong sa muling pagbangon at rehabilitasyon ng Marawi City.

Actually, ika-70th anniversary ng Philippines-Korea relations sa susunod na taon.

 Maliban sa kanyang panayam kay President Moon sa isang summit meeting, ang Presidente ay dadalo rin sa isang business luncheon forum at sa E-Mart Philippine Food Festival. 

Kamakailan lang, ang South Korea ay naglaan ng may higit $100 loan para sa Philippine government. Nag-donate rin ito ng $100,000 sa Philippine Red Cross.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, may 1.6 million Korean tourists na bumisita sa Pilipinas at may 450,000 Pilipino tourists na pumunta ng Korea noong 2017, aside maliban pa sa mga expatriates sa bawat bansa.

 Agricultural cooperation and the market access for Philippine exports lalo na ang okra, avocado at tropical fruits ay pag-uusapan din sa business summit. 

Tatalakayin din nina President Duterte at President Moon ang mga plano for cooperation sa environ­mental protection para sa bilateral at multilateral aspects ng re­las­yon ng dalawang bansa. 

Kaya kaabang-abang ang pag-bisita ng President Duterte rito sa Seoul kung ano ang makukuha ng Pilipinas.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with