Learning from the young
PUNUMPUNO ang Grand Ballroom ng Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City kung saan ginanap ang BusinessWorld Economic Forum noong isang araw. Umaapaw sa participants ang nasabing event na dinaluhan ng mga CEO ng mga leading companies sa bansa.
Ngunit ang kapansin-pansin ay kung paanong talagang napaka-attentive ng mga dumalong CEOs at iba pang executives na hanggang sa huling speaker at panel session ay hindi sila umalis at talagang nakinig sila.
At ito ang siste--- kung tutuusin ang mga speakers ay pawang mga mas bata pa sa karamihan sa mga dumalong CEO maliban kay Ret. Gen. Elisio Rio na OIC ng Department of Information and Communication at si Orlando Vea na president at CEO ng Voyager Innovations.
Ibig sabihin nito na nais ding matuto ng mga CEO ng mga traditional companies at businesses ng makabagong pamamaraan ng pagsagawa ng negosyo lalo na sa kasalukuyang digital world ngayon.
Ang ganda ng flow at maging ang susbstance ng buong Economic Forum na siguradong maraming natutunan ang mga participants sa mga magagaling na panel or speakers.
Ngunit higit sa lahat ay ang inspirasyong naibahagi ni Dennis Uy ang chairman at founder ng Uedenna Corporation sa kanyang keynote speech na isa sa mga magagandang keynote speeches na narinig ko.
Ang keynote speech ni Dennis Uy ay para bang isang pagkakataon na binuksan niya ang sarili sa mundo dahil ito ay mismong kuwento ng kanyang buhay na na-i-relate naman niya sa “Disruptor or Disrupted” theme ng buong BusinessWorld Economic Forum.
Sa mga gustong makinig sa talumpati ni Dennis Uy, naka-upload sa social media ng Philippine Star kung saan maririnig ang buong kuwento ni Dennis Uy.
Higit sa lahat, congratulations sa BusinessWorld team at maging kay Sir Miguel Belmonte sa pagkakaroon ng ganun kagaling na Economic Forum.
- Latest