^

PSN Opinyon

PAGCOR sutil?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko maintindihan kung naghuhugas kamay ang Pagcor o talagang sutil.

Maliwanag na ayaw na ni Boss Digong ang casino sa Boracay pero mukhang hataw pa rin ang mga opisyales ng Pagcor.

Kaya nagpaliwanag sa planong itatayong casino sa ating munting paraiso sa Boracay Island, pero sa haba-haba ng press release niya walang sinasabing susundin ang utos ni Mr President.

Naku ha!

Ano ba ito?

Pero paglilinaw ng PAGCOR, ang provisional license raw ng mga nag-apply ay “simula pa lamang ng napakahaba at mabusising proseso ng compliance na kinakailangang pagdaanan ng bawat integrated-resort operator bago sila isyuhan ng PAGCOR ng Notice to Commence Casino Operations at kalaunan ay ng regular casino gaming license.”

Eto pa, “kinakailangan pa rin umanong magsumite ang BPRLC ng proof of ownership o upa sa lupang pagtatayuan ng casino-resort, detalyadong Project Implementation and Development Plan, escrow account, performance assurance, surety bond, financial statement at iba pang documentary requirements”.

Inaamin ng  PAGCOR,  na ang lisensya ay ipinagkaloob sa Boracay Philippines Resort and Leisure Corporation (BPRLC), habang ang Galaxy Entertainment Group (GEG) ang manga­ngasiwa sa pagtatayo at pag-ooperate ng resort at casino project.

Ang lisensya ay ini-apply umano ng AB Leisure Global Incorporated (AGBI) noong Agosto 3, 2017.

Natanggap umano ng PAGCOR ang Letter of Intent na may kalakip na Certificate of No Objection mula sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan.

Noon namang  Enero 9, 2018, nalagdaan ang Deed of Assignment sa pagitan ng AGBI at BPRLC.

Paliwanag ng PAGCOR, napaburan nila ang aplikasyon ng BPRLC dahil ang Boracay ay nasa ilalim ng Greenfield zone category na tumutukoy sa mga lugar sa probinsya, lungsod o bayan na may mataas na potensyal para sa terorismo este mali turismo pala na walang nag-ooperate na casino.

Nakatalima rin umano ang BPRLC sa mga paunang documentay requirement kasama na ang Certificate of No Objection at minimum investment commitment na hindi bababa sa US$300 million.

Naku ha, dahil ba sa ganitong halaga, huhudasin na diumano ng Pagcor ang madlang people?

Ngayon naniniwala na ako na sobrang lakas ng mga taong kasama sa proyektong ito kaya’t nananaginip sila na kaya na nilang ituloy ang  casino sa Boracay kahit na nagdeklara na si Boss Digong na walang itatayong sugalan sa buong isla.

Ano kaya ang sikreto nila at hindi man lang nagsabi ang PAGCOR na maghunus-dili muna sila dahil mukhang tagilid na ang bangka.

Iba talaga ang sugal! Take note, Archbishop Emeritus Oscar Cruz. 

Abangan.

• • • • • •

Fair and square

Ano nga ba ang tinatawag na fair and square pagdating sa pagtrato ng mga akusado sa kaso?

Katulad ng nangyari kina Argosino, Robles at Sombero,  sa BJMP Jail ikakalaboso ayon sa utos ng hukuman, sa kabila nang may panganib sa kanilang seguridad bilang mga dating opisyales ng gobierno at dating opisyal ng pulisya.

Subali’t itong sina Ronnie Dayan at Jonel Sanchez, na mga co-accused ni Senator Leila De Lima, sa kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na droga, na nakabinbin sa Regional Trial Court ng Muntinlupa City, ay hanggang ngayon ay doon pa rin sa Jail ng Muntinlupa City Police Headquarters nakarehas.

Nagtataka ang mga assets natin kung ano raw ba ang kamandag nina Dayan at Sanchez dahil hanggang ngayon ay pakuya-kuyakoy sa jail ng Muntinlupa City Police Headquarters. 

‘Ano raw bang meron ang mga ito at bakit hindi pa sila inililipat sa BJMP Jail sa Muntinlupa City o sa Bicutan?’

Abangan.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with