^

PSN Opinyon

Unified contract para sa OFWs!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISA ako sa naniniwala na dapat magkaroon ng unified contract para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Isa lang dapat ang kontratang pinanghahawakan ng mga aplikante para iwas pandaraya ng mga recruitment agencies. Sa kontratang ito, dapat nakasulat sa Tagalog at translasyon sa wika ng bansang papasukan.

Patuloy ang panliligaw ng Kuwait sa Pilipinas na bawiin ang deployment ban sa kanilang bansa. Sa ka­sagsagan ng pag-uusap dito, lumutang ang usapin sa kontrata ng mga OFW.

Kapag hindi natumbok ang dahilan ng problema rito, paulit-ulit lang ang mga kaso ng pang-aabuso. Naging moneymaking ang estilo ng mga putok sa buho at mga pendejong recruitment agencies.

Pagdating ng mga worker sa ibang bansa, nagkakaroon na ng dagdag-bawas. Dagdag trabaho tapos bawas sa sweldo.

Wala pa rito ang mga pang-aabuso. Kapag lalapitan ang ahensya, cannot be reached ang mga lintek! Mabuti sana kung responsable ang mga ahensya, ang problema­… hindi. Pera-pera na lang ang labanan.

Kung may dapat sisihin dito, ‘yun ay ang nasa itaas na natutulog sa pansitan. Make no mistake; hindi ko ginawa ang kolum na’to para magturo.

Malalakas ang loob ng mga agencies dahil may mga padrino’t patron sa itaas. Protektado ang mga loko-loko kaya sige lang sa panlalamang sa kapwa Pilipino. 

Kung ako ang tatanungin, hindi na dapat pinapa­ubaya sa mga recruitment agencies ang deployment ng mga workers. Dapat ang mga aalis na Pilipino’y protektado na ng sarili nilang gobyerno.

Sa ilalim na dapat sila ng pamahalaan – cargo kumbaga. Ang labor department, POEA at iba pa ang may pananagutan sa seguridad at kapakanan ng mga aalis na OFWs.

Hindi kami magsasawang tulungan ang mga distressed OFWs na dumudulog sa amin. Subalit hindi mauubos ang problema kapag hindi natin natumbok ang sanhi n’yo.

Huli, gawin na ring government to government ang proseso. Para wala nang namamagitan, wala nang kumakamal ng kung ano-anong fees.

Para oras man na magkabulilyaso, gobyerno ang sasalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with