^

PSN Opinyon

Something is fishy!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PAMBIHIRA! Sa lebel palang ng prosecution sa Department of Justice (DOJ) ay dinismis agad ang kasong droga laban sa tatlong drug personalities na ibig ni Presidente Duterte na managot sa batas.

Kaya hindi masisisi ang taumbayan kung mag-isip na yun lamang maliliit na nagkasala ang pinapanagot, madalas pinapatay agad habang yung mga impluwensyal at may salapi ay inaabsuwelto. Sa “magkanong” dahilan?

Maging ang mga senador ay dismayado sa dismissal ng kasong kriminal laban sa tatlong high-profile drug suspects, lalu pa’t ang isa – si Kerwin Espinosa ay nauna nang umamin na isa siyang drug lord. Pera-pera ba ang dahilan? Bukod kay Espinosa, nilinis rin ng DOJ sina Peter Lim, at Peter Co kaugnay sa pagkakasangkot nila sa ilegal drug trade.

Sabi ng DOJ, hindi pa naman daw pinal ang desisyon. Ows?! Palagay ko, sinabi lang iyan dahil sa negatibong reaksyon ng taumbayan sa pangyayari. Dapat talagang imbestigahan ang insidenteng ito at parusahan ang mga dapat managot.

Ang Presidente mismo ay nanggigigil sa desisyon ng DOJ at sinabing bakit inabsuwelto, partikular si Espinosa gayung nauna na itong umamin na siya ay drug lord? Inginuso pa nga ni Espinosa si Sen. Leila De Lima na hangga ngayon ay nagdurusa sa piitan, na tumatanggap ng milyones na payola mula sa kanya. Yun bang pag-amin ay hindi maituturing na matibay na ebidensya? Talagang nakapagtataka kung bakit dinismis ang mga tinamaan ng kulog na iyan!

Sabi nga ng Pangulo, kapag nakalaya si Espinosa, Si DOJ Sec. Aguirre ang ikakalaboso niya. Rerepasuhin daw ang kaso, anang Malacañang at ng DOJ. Sige, repasuhin ninyo at siguruhin na yung matitibay lang na ebidensya ang ilalalantad. Kung minsan kasi, kahit ang prosecution, kung corrupt – ay puwedeng umuusig kunwari pero sinasadyang  bumuo ng kasong puro butas para maabsuwelto ang isinasakdal. Nakakahiya kung magkaganyan! Tandaan ninyo, ang ating Presidente ay nagsalita na: “Galit ako sa corrupt!” Huwag niyo siyang bigyan ng kahihiyan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with