^

PSN Opinyon

Bantayan lahat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MINO-MONITOR daw ng NCRPO ang 70 pulis sa Metro­ Manila dahil sa kanilang pagkakasangkot umano sa mga iligal na aktibidad tulad ng pangingikil, kidnap-for-ransom at iligal na droga. Halos lahat ay mga PO1, o ang pagkakaalam ng buong bansa ay ang mga pulis na dinoble ang sahod itong taon. Kulang pa rin siguro kaya nasasangkot sa kriminalidad. Marami na ngang mga PO1 ang sinibak mula sa serbisyo dahil sa kasangkutan sa kriminalidad. Wala raw mga mataas na opisyal ng PNP ang binabantayan. Bakit kaya? Siguradong hindi rin sila sangkot sa kriminalidad? 

Kung may hinala na sangkot sa kriminalidad, hindi ba dapat may kilos na ang PNP? Bakit mga sibilyan, hinihinala pa lang na sangkot ay pinapupunta na sa presinto para magpaliwanag, o kaya’y inaaresto? Hindi ba mas dapat sa mga pulis? Nagtataka talaga ako bakit kung ka­ilan dinoble na ang kanilang sahod, ganito pa ang mababalitaan natin.

Pitumpung pulis na maaaring masibak sa tungkulin kung mapatunayang sangkot na nga sa kriminali­dad. At kung masibak, ano na ang gagawin para maka­pag­hanap-buhay nang tapat? Kung noong pulis ay sang­kot na sa kriminalidad, paano pa kaya kapag wala na sa ser­bisyo? Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, maraming pulis na ang nasibak mula sa serbisyo magmula Hulyo 2016. Seryoso ang PNP sa pagpurga ng mga “scalawags” sa kanilang hanay. Nababahala lang ako sa kanyang pahayag na walang mga mataas na opis­yal ang binabantayan.

Ilang krimen ang kinasangkutan ng mga pulis na may ranggong PO2 pataas. Ang mga akusadong pumatay nga kay Kian Delos Santos ay isang PO3 at dalawang PO1. Ang mga akusadong pumatay naman kay Zenaida Luz ay mga ranggong Senior Insp. at Insp., mga matataas na ranggo. Ang isa ay nagsuot pa ng wig nang maganap ang krimen. Sana hindi lang mga bagong pulis o PO1 ang binabantayan ng PNP, kundi lahat. Lahat nang maaaring sangkot sa krimen, kahit ano pa ang ranggo nila. Para talagang maging malinis ang hanay ng mga pulis.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with