^

PSN Opinyon

Ang Boracay at si Joanna

Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG mahalaga, tumatabo ng pera ang mga gahamang negosyante sa Boracay at wala silang pakialam kahit marumi ang karagatan. Iyan ang nalaman ko sa ilang kababayan na concerned sa nangyayari ngayon sa Boracay. Nagbanta si President Rodrigo Duterte na ipasasara niya sa loob ng anim na buwan ang buong isla kapag hindi nilinis ng mga local officials ng Aklan, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism. Ganyan katanga ang mga opisyales, palaging huli na sila sa pag-aksyon. Noong panahon ni dating President Noynoy Aquino problema na ito matapos tibagin ang mga kabundukan at tayuan ng mga hotel at residential houses ng mga milyonaryo. Maganda naman sana ito dahil tumabo rito ng limpak-limpak na datung ang pamahalaan ng Aklan at maging ang kaban ng bayan dahil sa tax collection.

Ang masakit nito nakalimutan ng mga ahensiya ang pagsaayos ng mga basura at water treatment kung kaya malaking banta na ito sa kalusugan ng mga parukyano nila at maging sa mga residente roon. At ngayon nga na natumbok na ni President Duterte ang problema sa isla ng Boracay nagkukumahog na ang mga negosyante at maging ang mga local officials sa pagsaayos nito upang maiwasan ang banta ni Duterte na ipasasara nang lubu­san. Marahil sampol pa lang ang Boracay sa lahat ng tourist spots na matagal pinabayaan at ginawang pala­bigasan ng local officials at maging ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan na dapat arukin ni Duterte.

Walang pinag-iba yan sa sinapit ni Joanna Demafelis na pinabayaan ng mga opisyales sa Kuwait. Si Dema­felis ay natagpuang nakasilid sa freezer ng isang abandonadong apartment at isang taon nang patay. Kaya nagdeklara si Duterte na i-ban ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait. Sa ngayon todo na naman ang imbestigasyon ng mga tinamaan ng “lintik” upang maarok ang sinapit ni Demafelis. At katulad ng nabisto ni Duterte sa Boracay huli rin ang pagkilos ng mga opisyales sa Kuwait dahil sa mahimbing nilang pagkakatulog. Ewan ko lang kung may gugulong na ulo rito sa mga opisyales na tinukoy ni Duterte. Diyan masusubukan ang bangis ng laway ni Digong. Samantala kung nagpapabaya man itong mga opisyales ng Aklan at Kuwait, may isang masigasig naman na kongresista ng Bacoor, Cavite ang pursigido sa kanyang trabaho upang punan ang pangangailangan ng kanyang kababayan.

Ikinakasa na ni Congressman Strike  Revilla ang mga programa para sa darating na Marso kasabay ng kanyang birthday celebration. Simula Marso 1 ay magkakaroon ng mga aktbidades tulad ng Medical at Dental Mission sa mamamayan ng Bacoor. Ang mga ahensya ng Land Transportation Office (LTO), Metro Pacific Tollways Corp., at iba pang kompanya may one stop both sa libreng pagpaparehistro ng mga sasakyan at instalasyon ng RFID Stickers.  Sa Marso 2 na araw mismo ng kaarawan ni Revilla ay magkakaroon ng trade fair, itoy upang ipamalas ang mga produkto ng mga Bacoorenos ng makilala sa merkado. At ang pinakadapat na abangan ay ang “Strike A” Job Fair na kung saan maraming kompanya at ahensiya ng pamahalaan ang maaring pag-aplayan ng Bacoorenos na naghahanap ng trabaho, Napaka-suwerte naman ng Bacoor at nagkaroon sila ng Kongresista na masipag at mapagmahal sa kapwa. Sa panahon ni Duterte dapat na ibigay sa taumbayan ang tamang serbisyo upang hindi masibak sa puwesto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with