^

PSN Opinyon

Bigo ang gobyerno

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINUGUTAN ng Abu Sayyaf si Jurgen Gustav Kantner, ang German na binihag nila noong nakaraang taon. Hindi naibigay ang P30 milyong ransom kaya pinugutan. Si Kantner ang unang napugutang dayuhan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Marami pang bihag ang Abu Sayyaf, 19 na dayuhan at pitong Pilipino. Ano na ang masasabi ni Duterte sa grupong ito na ayaw pa niyang tawaging mga kriminal? 

Ayon sa Agence France-Presse, nakidnap na si Kantner noong 2008 sa Somalia. Naging bihag ng mga Abu Sayyaf noong Nobyembre habang naglalayag kasama ang asawa malapit sa Sabah. Patunay na hindi pa rin ligtas ang karagatan sa bahagi ng bansang iyan. Hindi rin masiguradong ligtas ng gobyerno ng Sabah, kahit may kasunduan na ng tulungan para mabantayan ang karagatan. Pinatay ng mga kriminal ang asawa ni Kantner, nang manlaban ito. Dapat iwasan na ng buong mundo ang karagatan na iyan, kung hindi rin lang masugpo ang Abu Sayyaf.

Ginawa na raw ang lahat, pero bigo ang gobyerno. Ito ang pahayag ni Duterte nang humingi ng tawad sa gobyerno ng Germany. Naisingit pa ang federalism na tanging solusyon daw sa mga problema sa Mindanao. Kinondena ng Germany ang pagpugot kay Kantner. Kung puwede lang siguro magpadala ng mga sundalo ang Germany para ubusin ang Abu Sayyaf, gagawin nila. Nangako naman ang AFP na uubusin na ang Abu Sayyaf. Pero ilang beses ko nang narinig iyan, ngunit nandyan pa sila at napupugutan pa ang mga bihag. May video pa ng krimen. Diyos na lang ang nakaaalam kung kailan mauubos ang Abu Sayyaf. 

Kailangang ubusin na ang Abu Sayyaf. Unahin ang problemang ito bago pag-usapan na naman ang pagbalik ng “Tokhang” laban sa iligal na droga. Mas importante mawala na ang Abu Sayyaf dahil matagal nang kahi­hiyan sa mundo!

vuukle comment

JURGEN GUSTAV KANTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with