^

PSN Opinyon

No more blame game

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

KUNG napapansin ninyo simula nang nanungkulan si da­ting Mayor Rodrigo Duterte bilang Presidente noong Hunyo 30, 2016, ay ni minsan hindi natin narinig ang mga paninisi sa nagdaang administrasyon sa kung ano mang mga pagkukulang ng pamahalaan.

Kasi nasanay tayo noon na sa simula pa lang ng administrasyon ni dating Pres. Noynoy Aquino ay wala tayong ibang narinig kundi ang paninisi kay dating Pres. Gloria Arroyo kung bakit maraming problema ang gobyerno.

Sa simula naging cute ‘yung paninisi na ginawa ni P-Noy noon na kahit saan siya mapunta, sa mga talumpati niya noon sa international gatherings --- hindi nawawala ang blame game. Hindi nawawala ang paninisi kay Arroyo sa hirap na dinadanas ng bansa.

Ngunit noong hanggang sa kalagitnaan ng kanyang termino at hanggang sa bumaba na siya sa Malacañang ay bukambibig pa rin niya si Arroyo.

At hindi na ‘yon cute dahil kailangan na rin niyang ipakita at akuin ang responsibilidad sa mga nangyayari sa kanyang administrasyon. Ngunit wala na yatang ibang kilala si P-Noy kundi si Arroyo.

At ‘yun nga ang pagkaiba ngayong si Duterte na ang kaliwa’t kanan nang nagtatalumpati sa kung saan mang pagtitipon ay ni minsan wala kang marinig na paninisi kay P-Noy o kahit sino pa mang nagdaang Presidente.

Totoong maituturing na may “dirty at killer mouth” si Duterte ngunit sa kabila nang lahat ay hindi niya naging ugali ang manisi kanino man sa kapalpakan ng pamahalaan.

vuukle comment

MAYOR RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with