^

PSN Opinyon

‘Trade secret sa Customs?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SIGURADONG nagpipista na naman ang mga smuggler­. Sinasamantala ang kahinaan ng kasalukuyang sistema ng Bureau of Customs.   

Mawalang-galang lang po, Commissioner Nicanor Faeldon, hindi ako impressed sa recent accomplishment ng BOC. Epekto na lang ito ng problema. Ang dahilan, mismong ang ipinatutupad na sistema ng iyong ahensiya.   

Isa ang BITAG Live sa mga programa sa media na matagal nang nananawagan sa pamahalaan. Panahon pa ni dating Pres. Benigno Aquino. Ipatupad ang inward foreign manifest.  

Sistema kung saan sa point of origin palang naititimbre na agad sa point of destination o pagdadaungang bansa kung ano ang mga parating na kargamento.  

Sino ang espisipikong importer, magkano ang dapat ipataw na buwis at kailan darating sa aduana. Lahat transparent. Namo-monitor ang lahat nang mga pumapasok na import.

Maliban sa BIR, dapat may access din ang pangulo sa inward foreign manifest. Nalalaman ang operasyon ng BOC. Siguradong tataas ang makokolektang buwis ng gobyerno.  

Problema, mismong ang kasalukuyang administra­syon yata ng Customs, ayaw ipatupad ang IFM.  

Naglalaro tuloy sa isipan ng publiko na ang nasabat na halagang P20 milyong ipinuslit na bigas mula sa China noong Martes, papogi lang.   

Kaya hinuli yung importer kasi “alay.”  Posibleng hindi raw kasi katsokaran ng mga namumuno sa Customs kaya siguro sinampolan.

Hangga’t hindi naiimplementa ng Bureau of Customs ang inward foreign manifest, patuloy pang mamamayagpag ang mga smuggler.

Aware kaya ang Customs sa kampanyang transparency ni Pres. Rody Duterte sa kanyang gobyerno?

Comm. Faeldon, IMF, ipatupad mo na kasi!  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with