^

PSN Opinyon

Apektado na rin ang mga call center?

YSTAR - Pilipino Star Ngayon

MALAKI na ang lumalabas na pera mula sa stock market. Ayon sa Banko Sentral, pinakamalaking halaga ng pera ang lumabas noong Setyembre sa loob ng 32 buwan. Mas maraming lumabas na pera, kumpara sa pumasok. Marami daw dahilan. Gumaganda ang ekonomiya ng US, lumalakas ang dollar, at inaantabayanan ng lahat kung mag-aanunsyo ang US Federal Reserve ng tinatawag na “interest rate hike”. Kaya nilalagay muli ng mga namumuhunan ang kanilang pera sa US. Nagpahayag naman noon si Pres. Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam kung ilabas sa stock market ang pera, dahil hindi naman iyan mga puhunan na hinahangad niya.

May mga nagsasabi pa rin na may kinalaman ang mga maaanghang na pahayag ni Duterte laban sa US, UN, at EU. Kailan lang ay nagpahayag si Duterte na mas matalino siya kaysa sa mga ito. Ito ay matapos pormal na inimbitahan ang mga kinatawan nila na magtungo sa bansa para imbestigahan ang mga tinatawag na “extrajudicial killings”. Kung matutuloy ang kanilang imbestigasyon, pahihiyain daw ni Duterte silang lahat sa pamamagitan ng mga tanong. At mukhang walang planong itigil ang kanyang pagmumura. Sinabihan niya ang kanyang mga kritiko na kapag wala na siyang respeto sa kanila, asahan ang “galon-galon” na mura.

Ngayon, ang industriya ng “outsourcing” o ang mga call center ang nababahala na rin sa mga pahayag ni Duterte. Ang mga call canter ang nagpalakas ng ekonomiya ng bansa noong mga panahon na wala masyadong trabaho para sa mga bagong nagtapos na mag-aaral. Maraming banyagang kumpanya ang pumasok sa bansa dahil sa galing sa pagsalita ng Ingles ng mga Pilipino. May pa­ngamba na ang mga banat at batikos ni Duterte, partikular sa US ay may epekto na rin sa industriya. Bagama’t wala pa namang umaalis o nagsasarang kumpanya, tila tumigil naman ang paglaki. May “freeze hiring” na raw ngayon sa ilang ahensiya.

Marami ang pumupuna sa pagmumura ni Duterte. Pati ang taga-suporta niyang si dating Pres. Fidel Ramos ay nagsalita na rin tungkol dito. Pero tila marami pa rin ang natutuwa sa kanyang estilo ng pananalita. Ganyan daw ang natural na tao. Huwag daw pansinin ang “ingay” na nagmumula kay Duterte. Kung gaano katagal hindi papansinin ng mga negosyante, mamumuhunan, kumpanya o industriya ang “ingay” ay hindi na rin masabi. May hangganan ang lahat, ika nga. Kung araw-araw kang namumura, hindi ba mapapagod ka rin?

vuukle comment

CALL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with