^

PSN Opinyon

Opinyon ni FVR

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na rin ang nagkumbinsi, at sumuporta kay Pres. Rodrigo Duterte na tumakbo bilang Presidente. Ayon kay dating Pres. Fidel V. Ramos, ang Pilipinas ay “losing badly” sa unang 100 araw ni Duterte bilang pre­sidente. Hindi ko na isinalin sa Tagalog para hindi na ako magkamali. Sabi ng isa kong kaibigan, “dehado” ang tamang pagsalin dito. Ano ang kanyang batayan kung bakit “losing badly” daw ang Pilipinas? Mas binibigyan daw ng priority ni Duterte ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga, habang napapabayaan ang ilang isyu tulad ng kahirapan, trabaho at pamumuhunan mula sa ibang bansa.

Sinita rin ni Ramos ang kanyang pananalita, partikular ang kanyang pagmumura, ang pagbanat niya sa US, UN, EU, kina Pres. Barack Obama at UN Sec. Gen. Ban Ki Moon, sa mga okasyon na dapat sibilisadong pananalita ang kailangan. Pati ang pagkumpara kay Hitler, na kahit humingi na si Duterte ng dispensa ay hindi raw basta-basta makakalimutan ng tao. Dating sundalo si Ramos, na matagal nanilbihan sa bansa. Kaya kinuwestiyon din ang pagbalewala na lang ng ilang dekadang “military partnership, tactical proficiency, compatible weaponry, predictable logistics and soldier-to-soldier camaraderie”, dahil lamang sinabi ni Duterte. Sigurado tinutukoy niya ang US, na kung si Duterte ang masusunod ay puwede na mawala bilang kaibigan at pinagmumulan ng tulong-pinansyal. Ito ang mga pahayag ni Ramos.

Kung ibang tao ang nagsabi ng mga ito, sigurado nakatanggap na ng mga kaliwa’t kanang pintas at batikos, pati na rin banta. Pero ayon sa Palasyo, nire­respeto nila ang opinyon niya. Payong-ama lang daw ang mga iyon. Pero bakit ang opinyon ng iba ay hindi matanggap nang maayos? Kailan lang ay minura ni Duterte ang mga pari na pumupuna rin sa kasalukuyang­ kampanya laban sa iligal na droga, dahil sa dami na ng namamatay. Partikular na binanggit si Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla, dahil sa mga pahayag na hindi magandang tinanggap ni Duterte.

Umaasa si Ramos na ang susunod na 100 araw ay mas maayos kumpara sa nakaraan, na matutukoy ang lahat ng problema, partikular ang kahirapan. Sana nga. Hindi rin kailangang maglaglag ng matagal nang kaibigan, para lang magkaroon ng bago. Ito ang sinasabi ni Ramos. Madalas din sabihin ni Duterte na hindi na siya mayor lang ng isang siyudad, kundi Presidente na ng Pilipinas. Kaya napupuna na ni Ramos na ang kanyang pananalita ay hindi na bagay para sa isang Presidente. Sana magbago na rin ito, kung kakayanin.

vuukle comment

FVR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with