^

PSN Opinyon

Dingdong at Marian may nilabag na batas

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MAYROON tayong batas na nagbabawal ng “lavish and ostentatious display of wealth” lalo na sa mga kapanahunan na naghihirap ang karamihan sa mga mamamayan.

Ayun sa mga ulat, sa wedding gown pa lang ni Marian, milyon na ang inabot. Ang motorsiklong Ducati na sinakyan ni Dingdong patungong simbahan ay mil-yones din ang halaga. Tiyak na milyones din ang inabot ng gastos sa wedding reception at iba pa.

At dahil milyones din naman ang pinag-uusapan, 12 million na ngayon sa mga kababayan ni Dingdong at Marian ay mga jobless ayun sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Samantalang, 18 million ay mga underemployed at mga 40 million live below the poverty line.

Nasubukan ba ng dalawa na bumisita sa mga squatters colony hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat ng sulok ng Pilipinas kung saan ang pamumuhay ng milyones ng mga kababayan natin ay hindi na maituring na “humane”.

Mas masahol pa ang kalagayan nila kaysa sa ilang mga kriminal na nakapiit ngayon sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa na parang mga prinsipe ang pamumuhay.

Binababoy nila ang mga patakaran sa Munti sa pahintulot ng mga nangangasiwa ng nasabing kulungan.

Kaya ang tanong, sino ang mga baboy? Ang ilang mga kriminal doon o ang director ng NBP at mga tauhan niya?

Pero balik tayo kay Dingdong at Marian, may pagkakataon pa na ma-‘‘rectify’’ ninyo ang nagawa bago pa may makapagisip na sampahan kayo pareho ng kaso.

Ang TV coverage ng inyong wedding bago ipalabas sa kapuso GMA TV ay hanapan na ninyo nang malalaking sponsors at ipaki-usap n’yo kay kaibigang Felipe Gozon na ang malilikom na salapi galing sa sponsors ay ibigay lahat sa mga mahihirap, sa squatters area in the form of sacks of rice, canned goods and noodles.

Magbo-volunteer ako at ang mga kasamahan ko sa OFW Family Party-list at ROSE Movement na mag-pack ng goodies na galing sa puso n’yo at sa kapuso network.

Only then will this avid fan of yours may be able to greet the two of you: «May you live happily ever after.»

vuukle comment

AYUN

BINABABOY

DUCATI

FAMILY PARTY

FELIPE GOZON

METRO MANILA

NEW BILIBID PRISONS

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with