^

PSN Opinyon

‘Pagbubuhat-bangko sa PNP’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SINUMANG namumuno sa anumang tanggapan o ahensya at sasabihing magagaling sila sa kanilang mga pinaggagawa, pagbubuhat ito ng sariling bangko.

Sila-sila, naglolokohan, nagbobolahan. Hindi na makapaghintay na batiin ng kanilang mga pinagsisilbihan kung naging epektibo ba o mahusay ang kanilang programa. Kung sa englis pa, “they themselves, for themselves, by themselves.”

Kaya sa halip na maniwala ang taumbayan, lalo na kung ang nagsasalita ay ‘yung mga iniluklok sa gobyerno, lalo lang tuloy naiinis at naririndi sa kanilang mga ingay.  

 Papaano ba naman kasi, puro lang sila estatistika. Puro yabang ng accomplishment wala namang basehan. Walang maipakitang numero. Taliwas pa doon sa nakikita at nararamdaman ng publiko.

 Binibida ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Interior and Local Government (DILG) ang kanilang mga reporma, plano at mga nagawa.

 Anim na buwan palang daw ang binuo nilang “Oplan Lambat” napababa na nila ng 50% ang bilang ng krimen sa Metro Manila. Ito ay ayon mismo kay DILG Sec. Mar Roxas.

 Maliban dito, napaganda na rin daw nila ang kanilang reporting system. Kaya nga depensa agad nila ng tumaas ng 35% ang rape cases nitong Enero hanggang Oktubre, marami na daw ang nagtitiwala sa PNP. Hindi daw ito nangangahulugang tumaas talaga ang aktuwal na bilang ng rape cases sa bansa.

 Ang problema, sila-sila lang sa ahensya ang nagsasabi nito. Hindi tulad sa sektor ng ekonomiya kapag sumadsad o gumanda, mayroong independent body na nag-aanalisa sa mga estatistika.

 Hindi naman sa “paborito” ko si Mar Roxas o ang PNP sa aking programang BITAG Live. Ang sa akin lang, hangga’t may nakikita akong mali at kulang, ako’y magsasalita para pukawin ang mga namumuno at ang taumbayan.

Agresibo nga sila sa pagbibida ng kanilang mga nagawa kung hindi naman ito ang nakikita at nararamdaman ni Juan Dela Cruz. Ala’ring kwenta.

 May sinasabi pa ang PNP na nagdagdag na daw sila ng mga checkpoint, foot at mobile patrol, pagpapakalat ng mga patrol jeep, maglalagay na rin daw ng mga HD CCTV camera sa bawat presinto at hotspot area, nakikipag-alyansa na sa kung ano-anong mga pipitsuging radio group para daw mapigilan ang krimen at kung ano-ano pang puro planong wala pang pakinabang.

 Kaya nga sabi ni Mar Roxas, kung dati daw “pulis patola” ang mga lespu, ngayon, “pulis panalo” na.

 Aanhin ni Juan Dela Cruz ang mga iniuulat na ito ng PNP kung hindi naman nagbibigay ng resulta. Hindi nararamdaman. Hindi nakikita. Ito tuloy ang tumatatak sa kanilang isipan na nagiging basehan ng kanilang persepsyon.

 Hindi community friendly at citizen friendly ang mga pulis. Kapag may krimen, kinakailangan pa muna silang hanapin, tawagan at hagilapin.

 

Ako’y naniniwala na hangga’t walang central community system na ayaw pansinin at pagtuunan ng atensyon ni Sec. Roxas, laging lamang ng ilang hakbang ang mga masasamang-loob at kriminal.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

DAW

JUAN DELA CRUZ

KANILANG

KAYA

KUNG

MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with