^

PSN Opinyon

Tayo na sa bukid ng Panginoon!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

PURIHIN natin ang Panginoon. Magalak ang lahat sa­pagka’t sabi ng Panginoon: “Padadalhan kita nang walang katapusang pag-unlad. Ang kayamanan ng ibang bansa ay dadaloy sa iyo na tila agos ng ilog. Akong Panginoon ang kumakalinga sa mga tumatalima sa akin”. Magiging lubos ang ating kagalakan sapagkat  tayo ay lalakas at lulusog sa pagkalinga sa atin ng Diyos.

Ang Salmo 65 nawa ay magdulot sa atin ng biyaya ng Poong Maykapal. “Sang kalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw”. Sinabi pa ni David na tayong nilalang ng Diyos ay sumigaw sa galak, purihin natin Siya sapagka’t tuwina ay wagas ang pagbibigay sa atin ng buhay.

Paalaala ni Pablo na ang ating pagpapakasakit ay ang ating krus na puno ng pagpupuri sa Panginoon, sapagka’t mapapasaatin ang kanyang awa at pagpapala. Ipagmapuri natin ang Krus ni Hesus upang magkaroon tayo ng kapayapaan.

Maging sa ebanghelyo ngayon ayon kay Lukas ay mu-ling paalaala sa atin ni Hesus na: “Sagana ang aanihin, nguni’t kakaunti ang mga manggagawa”. Humirang ang Panginoon ng 72 alagad. Pinauna nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan Niya. Nagpadala siya ng mga manggagawa sa bukirin. “Humayo kayo! Huwag kayong magdala ng mga lukbutan, supot (para nakawin ang kayamanan ng bayan). Huwag na kayong titigil sa daan upang makipag-inuman” at magpakasarap ng buhay. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay (bayan), sabihin muna ninyo, “maghari nawa ang kapayapaan sa bahay (bayang) ito”.

Sinugo ng ating Panginoon ang lahat ng mga pinuno ng Tunay na Simbahan na pawang pagliligtas laban sa kasamaan ang misyon at pangaral tulad ng Kordero sa gitna ng mga asong gubat. “Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo”. Pa­ tawarin mo ang pagiging maka-sarili sa aming buhay. Gabayan mo po kami Panginoon sa tunay at banal na landasin ng aming paglilingkod sa Iyo na pawang kapaya­paan ng aming puso at isipan.

Amen!

Isaias 66:10-14k; Salmo 65; Galatians 6:14-18 at Lukas 10:1-2, 17-20

 

vuukle comment

AKONG PANGINOON

ANG SALMO

DIYOS

GABAYAN

HESUS

HUWAG

LUKAS

PANGINOON

POONG MAYKAPAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with