^

PSN Opinyon

‘Tinted’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga kagandahan ng pagkakaroon ng tinted na salamin ng mga bintana ay ang pagiging proteksiyon nito sa araw ng mga taong nakasakay sa sasakyan.

Subalit dito sa ating bansa, tanging mga pribadong sasakyan lamang ang pinapayagang magkaroon ng mga tinted  na salamin sa kanilang mga sasakyan.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga pampublikong sasakyan lalo na sa mga bus, FX, at taxi ang pagkakaroon ng mga bintanang tinted o yung may madilim na kulay. Paborito kasi itong sakyan ng mga holdaper na sumasabay sa mga pasaherong bumibiyahe sa daan.

Dahil madilim at hindi nakikita ng ibang tao mula sa labas ang loob ng sasakyan, madali lamang naisasagawa ng mga kawatan ang kanilang masasamang gawain.

Isa sa mga tagasubaybay ng BITAG ang nagreklamo tungkol sa nasakyan nitong FX taxi, patungong Quiapo, Manila.

Sumbong ng dalagang nagpakilalang si Joy, sumakay siya ng kolorum na FX taxi nang minsang gabihin ng pag-uwi. Napilitan lamang daw siyang sumakay dito dahil sa hirap ng pagkuha ng masasakyan nang gabing iyon.

Inakala niyang ligtas siya dahil may iba ring mga pasahero ang kolorum na taxi bukod sa kanya. Ang siste, dahil kolorum at pribadong maituturing ang sasakyan, hindi niya napansing tinted pala ang nasakyang FX taxi.

Pagdating sa España Blvd., Manila, isa sa mga la­laking pasaherong kasabay niya ang nagdeklara ng hold-up. Hinala ni Joy, kasabwat ng drayber ng kolorum na FX taxi ang holdaper dahil, hindi ito umimik at nagtuluy-tuloy lang din sa pagmamaneho.

Hindi rin umano sila tinulungan nitong magreklamo sa pulisya. Katwiran ng drayber, baka hulihin din siya sa pagda-drive ng kolorum na FX taxi.

Paalala ng BITAG sa lahat­ ng aming tagasubaybay na huwag tumangkilik ng kolorum na taxi.

Dahil wala silang in­surance na maibibigay sa pasahero sakaling magkaroon ng aksidente o anumang kaso ng pagnanakaw.

Maging maingat din at mapili at huwag sasakay sa mga pampasaherong sasakyan lalo na kung ang mga bintana nito ay tinted.

vuukle comment

DAHIL

ESPA

HINALA

INAKALA

ISA

KATWIRAN

KOLORUM

SASAKYAN

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with