^

PSN Opinyon

Tamang paraan ng CPR

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

ANG CPR o Cardio-Pulmonary Resuscitation ay ginagawa kapag may isang taong inaatake sa puso. Kapag ang puso ay huminto sa pagtibok, magkukulang ang hangin (o oxygen) na dumadaloy sa kanyang utak. Puwedeng mamatay ang utak natin sa loob ng 5 minuto lang. Kaya kailangan magbigay agad ng CPR para may tsansang mabuhay siya muli.

Maganda matutunan ng lahat ang CPR. Kamakailan, naglabas ang American Heart Association ng bagong pamamaraan ng CPR. Sundin ang A, B at C.

1. Airway – Habang nakahiga ang biktima, itaas ang kanyang baba para nakatingala siya ng bahagya. Ito’y ginagawa para bumuka ang daanan sa paghinga.

2. Breathing – Tingnan maigi kung humihinga ang biktima. Pakiramdaman kung may hangin na lumalabas sa kanyang bibig o ilong. Umaangat din ba ang kanyang dibdib? Kapag hindi na humihinga ang pasyente, puwede mo bigyan ng mouth-to-mouth ang pasyente. Isara ang ilong at magbuga ng 2 mabilis at malalim na hininga. Kung takot kayo magbigay ng mouth-to-mouth, puwede din naman ipagliban na ito. Tumuloy na sa letter C.

3. Chest compression – Ang tamang pagdiin sa dibdib ng pasyente ay napakahalaga. Lumuhod sa harap ng pasyente. Ipatong ang iyong kaliwang palad sa kanang palad. Ilagay ang mga kamay sa dibdib ng pasyente, sa bandang taas ng sikmura. Siguraduhing derecho ang iyong likod at buong shoulders at elbows habang nagbibigay ng CPR. Gamitin ang iyong bigat sa pagdiin. Ngayon, umpisahan na ang pagdidiin ng mabilis at malalim. Kailangan ay lumubog ng 1.5 to 2 inches ang dibdib ng pasyente para siguradong may dadaloy na dugo sa kanyang katawan. Magbigay ng 30 na mabilis na pagdiin.

Pagkatapos, puwede magbigay muli ng 2 hininga sa bibig.

Tandaan, 30:2 ang ba­gong magic number ng CPR. Ang ibig sabihin ay sa bawat 30 na pagdiin sa dibdib, puwede magbuga ng 2 hininga sa biktima. Dati-rati ay 5:1 at 15:2 ang tinuturo. Dati ay mabagal din ang pagdiin sa dibdib. Nagbibilang pa ng 1,001, 1002, 1003... Mali na po ito.

Ngayon, dapat ay “push hard, push fast.” Magdiin ng malakas at magdiin ng mabilis. Kailangan makapagbigay ng 100 na pagdiin bawat minuto, o halos 2 pagdiin sa isang segundo.

Sa ating mambabasa, pag-aralan natin ang bagong CPR. At baka makapagligtas kayo ng isang buhay.

Good luck!

vuukle comment

AMERICAN HEART ASSOCIATION

CPR

DATI

DIBDIB

GAMITIN

KAILANGAN

KAPAG

NGAYON

PAGDIIN

PULMONARY RESUSCITATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with