^

PSN Opinyon

Emphysema: Tips para makahinga nang maluwag

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

ANG emphysema ay isang sakit sa baga na dulot nang matagal na panahong paninigarilyo at paglanghap ng polusyon sa hangin. Ang baga natin ay may mga maliliit na air sacs (parang lobo ng hangin) kung saan pumapasok sa katawan ang oxygen at lumalabas ang carbon dioxide.

Dahil sa usok at polusyon, puwedeng masira ang air sacs ng baga at mapigilan ang pagpasok ng oxygen sa katawan. Dahil sa sigarilyo, tumitigas ang baga, nag-iipon ang plema at nahihirapan nang huminga ang pasyente.

Ano ang gamot sa emphysema? Masakit man sabihin ay WALA. Wala talagang lunas ang emphysema. Kapag nasira na ang ating baga, hindi na ito maiaayos muli. Hindi naman puwedeng operahan at palitan ang baga.

Ano ang nagiging buhay ng taong may emphyse­ma? Lagi silang hirap huminga. Kaunting lakad lang ay parang kapos na sa hangin. Mayroong inhalers na ibinibigay ang doktor (mamahalin ito at umaabot sa P1,000) na puwedeng makatulong. At sa bandang huli ay manga­ngailangan pa ng oxygen tank sa bahay para lang makahinga. Grabe talaga ang pinsala ng sigarilyo!

Kung ayaw ninyong magka-emphysema, sundin ang mga payong ito:

1. Ihinto na ang paninigarilyo. Hindi pa huli ang lahat, kaibigan. Basta itinigil mo ang paninigarilyo, mapipigilan natin ang tuluyang pagkasira ng iyong baga.

2. Umiwas sa lugar na may naninigarilyo. Kapag   may kasama kang naninigarilyo, para ka na rin nanigarilyo ng 3 sticks sa bawat oras na kasama mo siya.

3. Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersis­yo gamit ang 1 kilong dumbbell sa bawat kamay. Pala­kasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.

4. Kumain ng 6 na beses sa isang araw pero kaunti lang. Halimbawa, isang saging lang sa meri-yenda. Masama kasi ang sobrang busog sa may emphysema dahil naiipit ng tiyan ang iyong baga.

5. Abutin ang tamang timbang. Hindi ma­ganda ang sobrang taba at ang sobrang payat din. Kapag payat ka mas­yado, mawawalan din ng lakas ang katawan. Kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng gulay, prutas, isda at manok.

6. Tamang paghinga: Hu­minga nang malalim ng nakabuka ang bibig. Gamitin ang tiyan sa pag-hinga.

7. Habaan ang iyong pag-exhale (paglabas ng hangin). Subukang mag-exhale ng nakabilog ang bibig (purse lip breathing). Para bang humihi­pan ka sa isang straw. Mapipi­gilan nito ang pagsara ng mga air sacs sa baga.

8. Uminom ng vitamin C at E. Mga anti-oxidants ito at baka makatu­long sa masamang epek­ to ng paninigarilyo.

9. Magsuot nang ma­ luluwag na baro. Magluwag din ng pantalon para hindi mahadlangan ang iyong paghinga.

10. Matulog nang na­­ka­angat ang ulo at kata­wan. Gumamit ng 2-3 unan para mas maka-hinga.

11. Siguraduhing ma­ li­nis ang iyong kuwarto (walang alikabok at car­pet) at maganda ang da­loy ng hangin. Kung may air-conditioner ay mas ma-kagiginhawa pa.

12. Mag-relax at mag­da­han-dahan lang sa inyong gawain.

13. Humingi ng su­porta sa pamilya at mag­pa­ti­ngin sa isang espes­yalista sa baga (pulmo-nologist). Good luck po!

vuukle comment

ABUTIN

ANO

BAGA

DAHIL

GAMITIN

GRABE

GUMAMIT

KAPAG

KUMAIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with