^

PSN Opinyon

'Si lolo sa video' (huling bahagi)

- Tony Calvento - The Philippine Star

HINDI NA SANA mabubulgar ang pananamantala kay Carla dahil wala talagang kakayahan itong magsalita dala ng kanyang kakulangan sa pag-iisip.

Gumalaw ang kamay ng Panginoon para mahinto at makaladkad sa liwanag ang kahalayang ginagawa sa isang matatawag na “heaven’s special child”.

“Kumikilos ang batas, wag niyo muna sabihin kay Nonoy baka may mapatay pa siya palamigin niyo muna,” pakiusap ni Delay sa kapatid ni Nonoy.

Ito ang dahilan ng ina ni Carla na si Adela Torres o “Delay” kaya itinago niya sa asawang si Pepito Torres o “Nonoy” ang sinapit ng anak dito kay lolo.

Magkasunod naming itinampok sa aming pitak ang pangangalikot ng 74-anyos na si Anatalio Cornelio Barot sa 19-anyos na ‘mentally challenge’. Si “Carla”, (di tunay na pangalan).   

Para tagmi-tagmiin ang mga punit sa kinwento sa amin ni Nonoy at ng testigong si Kevin Hernandez, SK Councilor sa Maahas, Los Baños, Laguna, ang kumuha ng video, kinapanayam namin ang ina ng bata tungkol sa insidente.

“Hindi ko naman iniiwan ng maghapon ang anak ko. Bantay sarado naman sa akin si Carla…nasalisihan lang ako,” giit ni Delay.

‘Stay out’ na kasambahay si Delay sa Los Baños, Laguna. Ayon kay Delay, kapag wala siya si Bado, ang adopted nilang kapatid ang bantay kay Carla. Dise-otso anyos at may diperensaya din sa pag-iisip.

May bagong ka-live in si Delay, si Ramil Caligdong, 47-anyos. Dating OFW na ngayo’y isang ‘hilot’ na umano’y nakagagamot. Mag-‘best friend’ si Ramil at Anatalio. Nagkakilala sila sa isang Christian Movement.

 Araw-araw bumibisita itong si Anatalio o “Tal”. Kahit wala ang asawa ni Delay andun pa rin yung matanda kina Carla.

 “Yan pong si Tal… ex-boyfriend ko po yan! Bago pa kami maging ni Ramil,” pag-amin ni Delay.

Taong 2007  ipinakilala si Tal ng kaibigan ni Delay na isang ma­nikurista.

May-ari si Tal ng isang bahay at lupa sa Bernardo Subdivision, Los Baños. Halagang P2.2M ito binibenta. Mula daw sa pag-aahente niligawan siya ni Anatalio.

“Gusto niya daw akong maging girlfriend… siya lang naman ang may gusto naki-ride ride lang ako,” wika ni Delay.

Isang taon ang tinagal ng kanilang relasyon. Hanggang maghiwalay rin sila. Dito na nakapasok ang bestfriend ni Anatalio na si Ramil.

Bumukod sila kalagitnaan ng taong 2011. Nagtayo ng kubo sa isang bakanteng lote sa ‘Jardin Leonila’ at dun tumira.

Agosto 2011, nang kunin ni Delay ang anak na si Carla na noo’y nasa kanyang mga biyenan. Maayos naman daw ang sitwasyon ng buhay sa kubo.

Aminado rin si Delay na may pagkakataong naiiwanan si Carla at Anatalio sa kubo subalit giit niya nandun daw si Bado.

Maliban sa mga nakakahinalang kwento ni Delay… malaking pala-isipan din sa ’min ang naging resulta ng medico legal examination na isinagawa sa biktima ng Medico Legal Officer, P/Supt. Roy A. Camarillo MD.

Nakalagay sa Findings: Presence of deep healed lacerations at 7 o’clock and 9 o’clock position. Ibig sabihin may dati ng punit sa ari ni Carla.

Gaya ng paniwala ng nakararami hindi kami makapaniwalang maliban sa pag-finger kaya pa ng isang 74 year old na lolo ang makipagtalik. Itinanong namin si Delay kung sino pa sa palagay niya maaring nan-rape sa kanyang anak.

“Wala po… kundi yung matanda lang!” matigas na sabi ni Delay.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 Khz (3:00-4:00 ng hapon) sina Kevin, Delay at Pepito.

Kinapanayam namin si Usec. Alicia Bala ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Sinabi namin ang kundisyon ni Carla. Nangako si Usec. Bala na tutulungan niya ang bata. Taga-Los Baños, Laguna sina Carla tinawagan niya ang DSWD- Region IV-A para sa kasong ito.

Tumawag sa amin si Ms. Dulce Sollestre, Social Welfare ng DSWD Region IV-A Office. Pinarating niya sa amin na pupuntahan nila si Carla upang tignan ang kundisyon nito. Nagtalaga sila ng case officer, si Ms. Marilyn Adante.

Para sa lubusang tulong, nakipag-ugnayan din kami sa Criminal Investigation and Detection Group, (CIDG) main. Nakausap namin si Director Samuel Pagdilao, ang Hepe ng CIDG at inatasan niya si P/ CINSP Ivy Castillo. Ini-refer sila Nonoy sa P/Chief Insp. Orlando Castil Jr. ng CIDG Laguna, Provincial Police Office, Rosario Village Brgy. Sala, Cabuyao Laguna para imbestigahan ang kanilang kaso.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi kami lubusang naniniwala sa mga kwento at naging sagot ng ina ng batang si Carla.

Bumubunggo sa aming isipan ang resulta ng ‘medico legal test’ kung saan may nakitang dating punit na sa ari ng bata. Mahirap kasing paniwalaan na ang isang 74-anyos na lolo kaya pang makipag-sex kahit kaninong babae.

Makikita sa video na kuha ni Kevin na minomolestiya ni Lolo si Carla … pini-finger at sinisipsip ang dibdib.

Ang tanong sino ang may gawa ng mga lumang punit sa ari ni Carla na nakita ng doktor nung siya’y eksaminin?

Sa paraan ng pag-aaruga ni Delay sa kanyang anak na isang mentally challenge, nalusutan siya ng kanyang lolong ‘ex’ nagpapatunay lang na hindi niya kayang pangalagaan si Carla. Dapat kunin sa kanya ang pa­ngangala kay Carla ng DSWD. Maganda na rin ito para habang naglilitis siguradong walang aregluhan na maaring mangyari.

Pagdating naman kay Anatalio, sabihin na nating pangangalikot ang nagawa mo ngunit nakasaad sa ating ‘expanded rape law’ R.A 8353, kahit hindi ‘penile rape’ (mismong ari) ang ginamit sa panggagahasa at matigas na bagay lamang o daliri, babagsak pa rin ito sa kasong rape. D’yan ka sasabit Lolo.

Bakit pinayagang mag-bail itong si Anatalio? Ito ang reklamo ni Nonoy!

Ang kasong ito ay nasa kategorya ng “Rape section 2 o sexual assault” (hindi ginamit ang ari) ayon sa batas ay maaring magpiyansa ng halagang Php200,000 piso.

Si Lolo Tal ay nahuli dahil sa malasakit ni Kevin na isang SK Councilor at nakunan ng cellphone video kaya madali na itong tumayo sa korte.

Ang mas malalim at mahirap matuklasan ay kung sinong manyakis ang nanggahasa kay Carla na naging sanhi ng mga punit niya sa ari?

Kung sino siya, si Delay lang ba ang makakasagot… maaring ang mga bumibisita sa kubo na ginagamot ni Ramil o baka naman ang mismong nakatira sa kubo? (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Landline: 6387285, 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City (Lunes-Biyernes) alas nuwebe hanggang 5:00 ng hapon.

Sa puntong ito nais naming batiin sina Randy M. Garcia at Arvin Bayocot ng PNB, PCSO Branch.

* * *

Follow us on twitter: Email: toc[email protected]

vuukle comment

ANATALIO

CARLA

DELAY

ISANG

LOS BA

NIYA

NONOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with