^

PSN Opinyon

'Suspetsa' (Update)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

NOONG nakaraang Biyernes, nailathala sa kolum na ito ang nangyaring hindi pagpapahintulot sa isang disi-nuebe anyos na babae na lumabas sa bansa.

Ayon sa dalagang si Janine, dahil blacklisted ang Koreano niyang boyfriend sa Pilipinas, napagdesisyunan na lamang nilang magkita at magbakasyon ng apat na araw sa Hong Kong. Subalit pagdating sa Ninoy Aquino International Airport, hindi pinayagan ng mga Immigration officers si Janine na lumipad patungong Hong Kong.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang BITAG. Ayon sa nakausap naming Immigration officer sa NAIA, pinaghihinalaang sangkot ang Koreanong si Jin Hyeon Lee sa Human Trafficking.

Pero sa patuloy na pag-uusisa ng BITAG sa kaso ni Janine, lumalabas na biktima lamang ang dalaga ng isang NBI –Confidential Agent na nagbigay ng maling information report. Dahil sa malisyosong report, patong-patong na perwisyo ang natamo ng nagrereklamong biktima.

Kilos prontong sinamahan ng BITAG ang biktima sa mga ahensiya ng gobyerno na kaniyang inirereklamo.

Ayon kay Bureau of Immigration Intelligence Chief Atty. Antonette Mangrobang, base sa guidelines ng kanilang ahensiya, na kay Janine ang mga katangian ng isang po­sibleng maging biktima ng human trafficking. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi siya pinayagang lumabas ng bansa ng Immigration officer na humawak sa kanyang kaso.

Gayun pa man, walang nakitang anumang paglabag sa batas kay Janine at sa Koreanong boyfriend nito na si Jin Hyeon ang National Bureau of Investigation – Anti-Human Trafficking Division.

Dahil dito, nangako ang NBI – AHTRAD na agad aasikasuhin ang investigation report para makuha na muli ni Janine ang kanyang passport.

Kaugnay nito, maging ang kaso ni Jin Hyeon sa kaniyang pagiging blacklisted sa ating bansa ay binawi ng Bureau of Immigration.

Nitong nakaraang Sabado, muling nakatapak sa teritoryo ng Pilipinas ang Koreanong si Jin Hyeon para bisitahin at simulang planuhin ang nalalapit nilang kasal ng kasintahang si Janine.

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

ANTONETTE MANGROBANG

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUREAU OF IMMIGRATION INTELLIGENCE CHIEF ATTY

CONFIDENTIAL AGENT

HONG KONG

JANINE

JIN HYEON

KOREANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with