^

'Wanted na ama'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo () - April 25, 2012 - 12:00am

NASAKOTE sa isang barangay sa Muntinlupa City ang puganteng matagal nang nagtatago sa batas dahil sa naka­bimbing na kaso niyang gun running.

Ang suspek na pinaghahanap ay kinilala na si Isabelo Marvin Alzate at ang nagturo sa kanyang kinaroroonan, mismong anak niyang babae!

Dumulog sa BITAG ang dalagang anak ni Alzate para isumbong ang kababuyang ginawa sa kanya ng sariling Ama. Kimi at hindi pala-salita ang 18-taong gulang na dalaga, subalit nang magsimula na kaming mag-usisa at magsagawa ng interview sa dalaga, bumuhos ang luha nito.

Dalawang taon na ang nakararaan pero sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyaring bangungot sa piling ng sariling ama. Bata pa lamang sila ng kanyang kapatid na lalaki, kinagisnan na nila na hiwalay ang kanilang mga magulang.

 Kuwento ng dalaga, nang minsang dumalaw siya sa bahay ng ama at kapatid para kunin ang kanyang sustento, naabutan niyang may inuman ang kanyang ama at mga kaibigan nito. Dahil inabutan na siya ng gabi ay hindi na siya pinauwi pa ng ama. Dala na rin ng kalasingan, naglambing ito sa mga anak na tabihan siya sa pagtulog.

Pumayag ang nagrereklamong dalaga at ang kapatid nitong lalaki, dahil wala naman sa isip nilang mayroon na palang masamang binabalak ang kanilang ama.

Sa kalaliman ng gabi, laking gulat ng biktima nang tabihan siya sa ibaba ng kama ng ama. Hindi na siya nakapalag nang simulan nito ang panghihipo na tuluyan ring nauwi sa panghahalay sa kanya.

Dahil sa sobrang pagkabigla, kahit ang pagsigaw ay hindi na nagawa pa ng biktima. Nanigas ang buo niyang katawan at hindi na nakapalag sa pambababoy ng Ama.

Agad na pinagplanuhan ng BITAG kasama ng Criminal and Detection Group – Anti Organized Crime Division at Muntinlupa police kung paano masasakote ang suspek. Nabalitaan din kasi ng biktima na uuwi na sa probinsiya ang ama at muling magtatago sa kinauukulan.

Pinostehan ng mga otoridad ang loob at labas ng pamamahay ng suspek bilang pag-iingat dahil may record itong sangkot sa gun running.

Abangan kung paano nahulog sa BITAG ang rapist na ama nga­yong darating na Biyernes ng gabi sa TV 5 pagkatapos ng Pilipinas News.

ABANGAN ALZATE AMA ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION BATA CRIMINAL AND DETECTION GROUP DAHIL ISABELO MARVIN ALZATE MUNTINLUPA CITY PILIPINAS NEWS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with