Masyadong mainit
Masyadong mainit
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas () - March 3, 2012 - 12:00am

MASYADONG mainit ang panahon kaya ang payo ko sa lahat iwasan ang direktang init ng araw at baka kayo ma-heat stroke. Uso rin ngayon ang ubo’t sipon dahil sa maalinsangang kapaligiran. Laging uminom ng tubig upang hindi ma-dehydrate. Ugaliin ding maligo araw-araw upang maging presko ang pakiramdam. Kung malinis ang katawan makakaiwas sa bulutong tubig, pigsa at galis na uso ngayong tag-init.

Puspusan naman ang paghahanda ng Bureau Jail Management and Penology (BJPM) sa mga kulungan sa Metro Manila dahil madalas na tamaan ng sakit sa balat ang mga preso dahil masikip at mainit nilang selda. Dahil mainit ang panahon, nananawagan naman ako sa lahat na ugaliing inspeksiyunin ang inyong mga kalan at appliances upang maka-iwas sa sunog. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit 400 sunog na ang naitatala sa Metro Manila mula Enero hanggang sa kasalukuyan.

Nananawagan naman ako sa mga drayber na mag-ingat sa pagmamaneho para makaiwas sa disgrasya. Dahil mainit ang panahon, marami rin ang maiinit ang ulo. Lalo pang nag-iinit ang ulo ng drayber dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina. Kapag tumaas ang gas, tataas din ang mga bilihin. Marami na naman ang malilipasan ng gutom. 

Samantala, mukhang nabitin yata si Sen. Miriam Santiago matapos na iurong ng prosecution panel ang limang akusasyon kay Chief Justice Renato Corona. Kung kailan na mainit na mainit na ang pagtalakay sa mga kahina-hinalang ari-arian ni Corona ay biglang bibitaw ang pro-secution. Kaya pati si Private Prosecutor Vitaliano Aguirre ay napagbuntunan ng galit ni Santiago nang magtakip ito ng taynga habang nagsisermon si Miriam. Sino ba naman ang matutuwa sa naging ugali ni Aguirre na nagtakip ng tainga at sumagot ng pabalang kay Santiago.”

Kaya huwag bibitiw sa pagsubaybay sa impeachment trial dahil tiyak na sasabay ito sa init ng ulo este init ng tag-araw. Abangan!

ABANGAN BUREAU JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY BUREAU OF FIRE PROTECTION CHIEF JUSTICE RENATO CORONA DAHIL KAYA METRO MANILA MIRIAM SANTIAGO PRIVATE PROSECUTOR VITALIANO AGUIRRE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with