^

PSN Opinyon

Sa bingit

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

BLOCKBUSTER uli ang hearing sa Senado noong Martes nang naipa-surender kay Supreme Court Clerk of Court Atty. Enriqueta Vidal ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Chief Justice Renato C. Corona. Prinisinta ni Private Prosecutor Mario Bautista, ang “import” ng House Panel, si Atty. Vidal bilang witness subalit matapos ang ilang oras na pag-iksamen dito’y hindi niya nakuha kay Atty. Vidal ang Corona SALN.

Malinaw na walang intensyong lumabag sa kautusan ng Impeachment Court si Atty. Vidal. Ang kaso’y humantong na sila sa puntong halos maiyak siya sa problema ng kung sino ang susundan? Ang resolusyon ng Supreme Court na dapat may pahintulot ang Justices sa pag-release ng SALN o ang kautusan ng Senate Impeachment Court na isurender niya ang SALN kahit walang go signal ang mga Justices. 36 years nang naglingkod si Atty. Vidal sa Mataas na Hukuman at sa lahat ng panahong ito’y wala siyang kinilalang awtoridad na mas tataas pa sa Supreme Court hanggang noong Martes ng hapon.

Ang hinarap ni Atty. Vidal ay ang una sa dadami pang sangandaan na hahantungan ng Impeachment Trial tungo sa pagresolba sa napakahalagang katanungan: ano ang implikasyon ng kapangyarihan ng Senate Impeachment Court sa kapangyarihan ng Supreme Court at vice-versa?

Sa bawat pagpasya ng Senado, may kampong hindi masisiyahan, kasama na dito ang mga pribadong tao na maaring matawag sa pandinig. Pihadong darating ang pagkakataon kung saan hahanap at hahanap ng matatakbuhan ang apektadong partido sa inaakalang paglabag sa kanyang karapatan o tuwing hindi ito sasang-ayon sa desisyon. Sa ilalim ng Saligang Batas ay may matatakbuhan ka – hindi ang Executive, hindi ang Legislative. Katungkulan ito ng Judiciary. Maari ba itong gawin ng mga partido sa Impeachment? Suspendido ba ang Saligang Batas sa mga pagdinig ng Senate Impeachment Court?

Sa mga sumusubaybay sa hearings, inaantabaya-nan na ang hindi maiwasang enkuwentro ng dalawang sangay at sa kalalabasan ng mangyayaring pagta-tagpo. May solusyon kaya ang ganitong krisis?

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO C

COURT

ENRIQUETA VIDAL

HOUSE PANEL

IMPEACHMENT COURT

IMPEACHMENT TRIAL

SALIGANG BATAS

SENATE IMPEACHMENT COURT

SUPREME COURT

VIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with