^

PSN Opinyon

Tagumpay ang proyekto ng MPD Press Corps

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NOONG Linggo, isang proyekto ang isinagawa ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) para matulu-ngan ang mga kapuspalad nating kabarangay sa Ermita, Manila. Nagsagawa ng kauna-unahang Medical servi-ces ang MPDPC. Pangunahing nabibiyayaan ng libreng dental, optical (consultation with free reading glasses) at iba pang medical services ang mga mamamahayag na komokober sa MPD at mga miyembro ng Manila’s Finest Brotherhood Association.

Tagumpay ang proyekto matapos mapagsilbihan ang may 1,001 pasyente na may libreng salamin at gamot mula sa Botika ni Kuyang Daniel. Dinumog ng mga kapuspalad nating ka-barangay sa 660, 660-A, Otis at kalapit na barangay sa Paco, Manila. Maraming sala­mat po Kuyang Daniel Razon at Ka Eli Soriano. Dahil sa inyong tulong, natugunan namin ang pangunahing pangangailangan ng kapwa. Mabuhay kayo at sana’y dumami pa ang inyong lahi sa mundo.

Kay sarap palang tumulong sa kapwa lalo sa proyektong pangkalusugan. Hindi namin ininda ang pagod at init ng sikat ng araw dahil nasusuklian ito nang matatamis na mga ngiti mula sa nabibiyayaan ng medical servi-ces. Ang proyektong ito ay naisakatuparan matapos na personal naming hilingin kay Kuyang Daniel Razon ng UNTV na dati rin naming kasama sa media. Si Kuyang Daniel kasi ang aming naging tulay upang mabuo ang medical servi-   ces na pinangasiwaan naman ng Kamanggagawa Foundation, Inc ni Ka Eli Soriano ng “Ang Dating Daan”.

Ang grupo ay kinabibilangan ng mga beteranong doc-tor sa Pediatrician, Dental at Opthalmology, Physical The­­ra­py, X-ray Technician, Laboratory (RBS & Blood typing), Phar­­macies Attendance at Legal Consultation sa katauhan ni Atty. Lily Abdul. Bagamat hindi nakarating sa Venue si MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla ay pinunan naman ito ni  CDDS Sr. Supt. Roberto Po at DHSSU Chief Supt. Do­mi­­nador Arevalo sa pa­­ma­­ma­gitan ng pagkakaloob sa amin ng permiso na ma­­gamit ang parking area ng MPD at ganundin sa mga pulis na nangalaga sa kapaligiran. Maraming salamat mga Sir. Sana ay ito na ang simula ng ating pagsasama-sama sa pagkakaloob ng tulong sa ating kapwa.

Malaking tulong din sa proyektong ito ang ipinamalas na kasipagan ng aking bise presidente na si Ziony Esguerra nang pangasiwa­an nito ang pagbibigay ng libreng lugaw sa mga kabataan at maging sa mga matatanda habang naghihintay na matsek-up ng mga doctor. Katulong ko rin sa pagsaayos ng pasilidad at pagtulong sa mga grupo ng KFI ang mga MPDPC officials na pinangungunahan ni Leonardo Basillo, Auditor; Mer Layson, Treasurer; Bong Son, Chairman of the Board; Jun Adsuara, Erwin Aguilon, Ed Dollente, Ed Gumban, Jonjon Reyes at Edwin Sevidal, Directors.

Ipagpatuloy po natin itong proyekto sa pagtulong sa kapwa kahit “isang araw lang” na sakripisyo. Natitiyak ko, unti-unti na na­ ting naiaangat ang moral ng ating organisasyon sa MPDPC.

vuukle comment

ANG DATING DAAN

BONG SON

CHAIRMAN OF THE BOARD

CHIEF SUPT

DIRECTOR CHIEF SUPT

ED DOLLENTE

KA ELI SORIANO

KUYANG DANIEL RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with