^

PSN Opinyon

Editoryal - Gaano kahanda kapag tumama ang lindol?

-

NILINDOL ang Sumatra, Indonesia noong nakaraang linggo at mahigit 300 katao ang namatay at 400 pa umano ang nawawala. Kasunod ng 7.7 magnitude na lindol ay ang pananalasa ng tsunami. Animo’y winalis ang lugar na dinaanan ng tsunami. Maraming nawasak na bahay. Ang mga hayop ay nakatimbuwang. Bago ang lindol at tsunami, pumutok muna ang bulkan sa nasabing lugar. Umano’y ito na ang pinakamatin-ding kalamidad na naranasan ng Indonesia. At nakita na walang kahandaan ang Indonesia sa sumapit sa kanilang “galit ng kalikasan”. Nasorpresa sila.

Ang nangyari sa Indonesia ay hindi malayong mangyari sa Pilipinas. Malamang na magkaroon nang malakas na lindol dito sapagkat katulad din ng Indonesia ang Pilipinas ay nasa lugar na tinatawag na “ring of fire”. Napapaligiran ng mga bulkan. At kapag may mga bulkan, ang mga paglindol ay karaniwang nangyayari. At maitatanong kung handa ba ang Pilipinas kapag sumapit ang lindol? Meron pa bang pagsasanay na mga ginagawa para handa sa biglang pagyanig?

Kung walang mga paghahanda, tiyak na ang nangyari sa Indonesia ay magaganap din sa Pilipinas. Masosorpresa rin. Magpapanic at kalunus-lunos ang sasapitin ng mamamayan. Nang lumindol noong July 1990 na naging dahilan para mawasak ang isang five star hotel sa Baguio City, nakita na walang kahandaan ang pamahalaan. Maraming namatay dahil sa lindol na iyon. Maraming gusali, kalsada at tulay ang nasira.

Nang mangyari ang paglindol sa Indonesia, ma­rami ang natakot na baka umabot sa Pilipinas ang tsunami. Napakalapit ng Indonesia. Pero sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang nangyaring lindol at tsunami sa Indonesia ay hindi makaaapekto sa Pilipinas. Hindi rin daw konektado ang faults at trenches sa Pilipinas kaya imposibleng maapektuhan ng lindol.

Hindi pa ganap na handa ang Pilipinas sa pagtama ng lindol. Pinakamabuting maghanda pa para hindi sapitin ang nangyari sa Indonesia. Ipagpatuloy ang earthquake drills sa mga school, mga tanggapan ng gobyerno at mga pribado. Kadalasang ang pagkakagulo o pagpa-panic kapag lumindol ang dahilan kaya maraming namamatay. Kung nakahanda ang mamamayan maiiwasan ang malaking pinsala. Napatunayan na iyan nang manalasa ang bagyong “Juan” dalawang linggo na ang nakararaan.

BAGUIO CITY

INDONESIA

IPAGPATULOY

KADALASANG

LINDOL

MARAMING

NANG

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with