Bagong guidelines ng CPR
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong () - July 1, 2010 - 12:00am

ANG  Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR) ay ginagawa kapag may isang taong inaatake sa puso. Kapag ang puso ay huminto sa pagtibok, magkukulang ang hangin (oxygen) na dumadaloy sa kanyang utak. Puwedeng mamatay ang utak natin sa loob ng 5 minuto lang. Kaya kailangan magbigay agad ng CPR para may tsansang mabuhay siya muli.

Maganda na matutunan ng lahat ang CPR. Kamakailan, naglabas ang American Heart Association ng bagong pamamaraan ng CPR. Sundin ang A, B at C.

Airway – Habang nakahiga ang biktima, itaas ang kanyang baba para nakatingala siya ng bahagya. Ito’y ginagawa para bumuka ang daanan niya sa paghinga.

Breathing – Tingnan maigi kung humihinga ang biktima. Pakiramdaman kung may hangin na lumalabas sa kanyang bibig o ilong. Umaangat din ba ang kanyang dibdib? Kapag hindi na humihinga ang pasyente, puwede mo bigyan ng mouth-to-mouth ang pasyente. Isara ang ilong at magbuga ng 2 mabilis at malalim na hininga. Kung takot kayo magbigay ng mouth-to-mouth, puwede din naman ipagliban na ito. Tumuloy na sa letter C.

Chest compression – Ang tamang pagdiin sa dibdib ng pasyente ay napakahalaga. Lumuhod sa harap ng pasyente. Ipatong ang iyong kaliwang palad sa kanang palad. Ilagay ang mga kamay sa dibdib ng pasyente, sa bandang taas ng sikmura. Siguraduhing derecho ang iyong likod at buong shoulders at elbows habang nagbibigay ng CPR. Gamitin ang iyong bigat sa pagdiin. Ngayon, umpisahan na ang pagdidiin ng mabilis at malalim. Kailangan ay lumubog ng 1.5 to 2 inches ang dibdib ng pasyente para siguradong may dadaloy na dugo sa kanyang katawan.

Magbigay ng 30 na mabilis na pagdiin. Pagkatapos, puwede magbigay muli ng 2 hininga sa bibig.

Tandaan, 30:2 ang bagong magic number ng CPR. Ang ibig sabihin ay sa bawat 30 na pagdiin sa dibdib, puwede magbuga ng 2 hininga sa biktima. Dati-rati ay 5:1 at 15:2 ang tinuturo. Dati ay mabagal din ang pagdiin sa dibdib. Nagbibilang pa ng 1,001, 1002, 1003... Mali na po ito.

Ngayon, dapat ay “push hard, push fast.” Magdiin ng malakas at magdiin ng mabilis. Kailangan makapagbigay ng 100 na pagdiin bawat minuto, o halos 2 pagdiin sa isang segundo.

Sa ating mambabasa, pag-aralan natin ang ba-gong CPR. At baka maka-save pa kayo ng isang buhay. Good luck!

AMERICAN HEART ASSOCIATION CARDIO-PULMONARY RESUSCITATION CPR DATI DIBDIB GAMITIN KAILANGAN KAPAG NGAYON PAGDIIN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with