'Ang hari sa Customs(?)'

TULAD NG AKING naipangako nung Lunes ilalabas ko ang pangalan ng umano’y inaakusahan na isang “smuggler” na malakas sa Bureau of Customs (BOC) at inerereklamo na ng mga ‘legitimate Customs Brokers.’

Lumiham sila sa aking tanggapan at ipinakiusap na imbestigahan ko ang taong ito na si Ruben Taguba.

Basahin natin ang kanilang liham sa atin.

Mr. Tony Calvento

Calvento Files/Hustisya Para Sa Lahat

Dear Mr. Calvento:

We would like to bring to your attention on behalf of all the Legitimate Customs Brokers regarding the illegal operations of a person posing as a broker using bogus companies.

He is Mr. Ruben Taguba a consignee of “Brickwall Trading” and “Transcend International Trading.” Want to know if these companies are legit to be accredited by the Bureau of Customs to transact importation business.

The other companies that Taguba uses are the Adolfo Pineda Brokerage, Roberto P. Taguimacon and Ramon F. Marawis Brokerage.

We are also wondering how he has managed to amass so much wealth. Mr. Taguba who is just a mere customs broker and a former Vice Mayor of a small town in Cagayan Province.

We are aware of your expertise in doing an in-depth investigative work and this is why we also suggest to look into the taxes he has paid the “Bureau of Internal Revenue (BIR)”. He has allegedly declared himself to be “jobless.”

Among the prized possessions of Taguba that you could look into are a Cable TV company, 12 hectares Hotel Resort in Cagayan, two farmlands in San Juan, Batangas and mansion at the posh La Marea, San Pedro, Laguna, a house and lot sa Camella Homes, Phase 2, Soldier Hills, Muntinlupa City, A 3-door apartment sa Soldier Hills, Muntinlupa City, at 3-bedroom condominium unit, Multinational Village, Parañaque.

 He also owns a fleet of expensive and luxury vehicles like a black Chevrolet Tahoe, black Honda CRV, black Toyota Yaris, red Ford Explorer, black Toyota Altis, blue Isuzu Climax, at isang black Toyota Lexus (30).

We hope that you give this matter your attention because not only is he practicing unfair competition among us legitimate brokers by twisting the arms of Customs officials through his connections with some unscrupulous media persons (whom we shall also name as his coddlers) threatening to harass them through the “white paper” he finances.

Thank you very much and expect us to write to you again.

(NAMES WITHHELD)

MGA MAMBABASA ng “Calvento Files” hiniling namin sa Secu­rities and Exchange Commission (SEC) na beripi­kahin ang mga nabanggit na brokerages sa liham.

“Ang Brickwall Trading, Transcend International Trading, Adolfo Pineda Brokerage at Ramon Marawis Brokerage.”

Ayon sa tanggapan ni Liza Quilondrino na in-charge ng Corporate Records and Management Division (CRMD), hindi daw nila nakitang nakarehistro ang mga ito.

Kung totoo ang sinasabi nitong aming source na lumiham sa amin, eh di fictitious pala ang mga brokerages na ginagamit nitong si Ruben Taguba.

Siguro dapat imbestigahan ni Customs Commissioner Napoleon Morales ang bagay na ito para hindi nadidismaya si President Gloria Macapagal-Arroyo kung bakit “short” ang koleksyon ng taxes mula sa Bureau of Customs.

Gusto rin namin malaman na kung ito’y hindi nakarihistro sa SEC bakit ito nabigyan ng accreditation ng BOC para makapag tran­saksyon sa loob ng nasabing tanggapan?

Nagtanong ako tungkol dito kay Taguba at napag-alaman ko na dati siyang Vice Mayor ng Piat, Cagayan at ngayon nakalagay siya bilang isang “employee.” Empleyado siya ng anong kumpanya? Sa gobyerno ka ba nagtratrabaho o sa isang pribadong korporasyon?

Nagbayad ito ng buwis sa Regional District Office (RDO) ng Muntinlupa para sa isang property sa Soldier’s Hills Subdivision, isang eksklusibong subdivision na magagara ang mga bahay dun (mansion ba?).

Ang tanggapan ng Land Registration Authority (LRA), Admi­nistrator Bendicto Ulep ay nangako na titingnan din ang mga Transfer Certificate Titles ng mga nabanggit na properties na umano’y pagmamay-ari ni Taguba.

Sabagay, kababayan mo rin naman si Admin. Ulep kaya madali mo rin namang mapag-uusapan yan.

Tanungin din natin si Gen. Arturo Lumibao ng Land Trans­portation Office (LTO) tungkol sa mga sasakyan na nabanggit at ng malaman natin kung sa kanya nakarehistro ang mga ito, Sobrang yaman mo naman, sir. Alam ko naman na kaya mong ipaliwanag kung saan galing ang yaman mo.

Sa parte naman ng Bureau of Internal Revenue, sinagot na nila ang liham ko na mag-provide ng Income Tax Returns nitong si Taguba itong mga nakaraang tatlong (3) taon na nag-file siya. Ibabalita din natin sa inyo ang lahat ng yan.

NASALIKSIK ko rin na itong si Taguba ay dating miyembro ng Intelligence ng Customs at ang bosing niya ay si Deputy Com­missioner Luciano Milan nung mga panahon na namamayagpag pa si Customs Commissioner Salvador Mison.

Si Mison ay dating General at hepe ng Visayas-Mindanao Command (Vismin Command) bago siya itinalagang hepe ng BOC.

ABANGAN ang iba pang mga impormasyon na galing na rin sa mga opisyal ng Customs na umaaray na umano dito kay Taguba.

PARA SA isang patas at balanseng pamamahayag bukas ang aming tanggapan para sa ‘yo Mr. Ruben Taguba.

HUMIHINGI kami ng paumanhin sa lahat ng mambabasang sumusubaybay ng seryeng “PARE, TAGAY KA!”. ABANGAN ang karugtong ng pitak na ito sa Biyernes. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

Sa mga gustong magbigay ng impormasyon at dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero,09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

 

Email: tocal13@yahoo.com

Show comments