Sakit sa pag-iisip

Dr. Elicaño, ang aking pinsang babae na matagal na nag­tra­baho sa Kuwait ay maraming pagbabagong nangyari mula nang umuwi. Nahihirapan siyang maka-interact sa ibang tao, may naririnig daw siyang boses, nag­kakaron ng delusions at nakakaranas ng halusi­nasyon. May mga pagkakataon na nakikitaan siya nang matinding depression. Dati naman ay hindi siya ganito. Noong kami ay maliliit pang bata (halos kasing-age ko siya, 30 na kami ngayon) ay maayos naman ang kala­gayan ng kanyang pag-iisip. Sa palagay mo ba, may deperensiya siya sa pag-iisip? — MAILA SANTOS ng Valenzuela City

Sa mga sinabi mong sintomas, maaring nagdaranas ng sakit sa pag-iisip (mental illness) ang iyong pinsan. Ang mga taong nagdaranas ng ganitong sakit ay naiha­halintulad sa isang ikinulong sa karnabal na pawang ingay, tawanan at usapan ang maririnig. Mistula siyang na-trapped at nawalan na ng control at pandama sa realidad ng mundo.

May dalawang uri ang psychotic illnesses, ang manic depression at schizophrenia. Kadalasang tumatama kapag nasa adolescence o early adulthood. Ganoon pa man, ma­liit na porsiyento ng populasyon ang apektado ng sakit. Ka­dalasang panghabambuhay na ang sakit na ito.

Ang schizophrenia ay madalas i-described na “split personality”. Kusang nagbabangon sa kanyang sarili at kung anu-ano ang pumapasok sa magulong imahinasyon.

Ang manic depression ay tinatawag na “pendulum behaviour”. Sa sakit na ito ay mas­yadong apektado ang emosyon. Kapag nasa manic mode, masyadong irritable, mabilis magsalita at walang mawawaan sa kanyang mga sinasabi. Laging malungkot at nawalan na ng pag-asa. Laging nakadarama ng guilt.

Ayon sa mga siyentipiko, walang alam na dahilan ng pagkasira ng isip. Naniniwala naman ang iba na dahil ito sa abnormal brain functions. Ang brain scanning, (PET), ang ma­katutulong sa misteryo. Ang primary treatment sa mga nag­daranas ng psychotic illness ay medication at therapy.

Maaaring makabalik sa normal na buhay at maging pro­duktibo ang mga nagdaranas ng sakit na ito. Malaki ang ma­itu­tulong ng pamilya para mapalaya sa carnabal fun house ang mga sakit sa pag-iisip.

Show comments