Kondemnasyon
PILANTIK - Dadong Matinik () - December 6, 2009 - 12:00am

Hinarang ng mga armadong lalaki

Ang convoy ng mga sibilyang botante;

Mga pasahero’y taong mabubuti’t

Magpaparehistro sa bayang katabi!

Mga pasahero ay pinagbabaril

Ng mga armadong demonyo’t suwail;

Pinatay na lahat mediamen at voters

Walang itinira’t noon din nalibing!

Ang mga sasakyan ay ‘di rin naligtas –

Ibinaon na rin habang winawasak;

Ang mga salarin bago nagsitakas

Ang pinagbaunan kanilang pinatag!

Limampu’t pitong taga media at sibilyan

Sa oras ding iyon ay agad pinaslang;

Sila’y nirapido’t tuloy sa hantungan

Sapagka’t handa na ang paglilibingan!

Labinlimang masisipag na mediamen

Kasama sa convoy kaya pinatay din;

Ngayon lang nangyari ang ganitong krimen

Pati taga-media ay pagpapatayin!

Dati ang mga tauhan ng media

Kapag pinapatay ay isa o dalwa;

Pero bakit ngayon sila’y labinlima

Sobra naman yatang sila’y pinagdusa!

Sa ngayo’y maraming asawa at anak

At mga magulang lumuluhang ganap;

Samantalang ang mga pumatay naghudas

Sa ginawang sala ay humahalakhak!

Ang mga pumatay sana’y makonsens’ya

Kumuha ng lubid magpakamatay na;

Hangad nitong bayan mamatay na sila

Pagka’t sila’y taong walang kaluluwa!

Pinakamasama’y ang taong nag-utos

Na pagpapatayin mga anak ng Diyos;

Ang taong ganito’y isang taong bugok –

Walang kaluluwa’t katawan ay bulok!

DATI DIYOS HANGAD HINARANG IBINAON KAPAG KASAMA WALANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with