^

PSN Opinyon

Kailangang operahan sa puso at walang pera: Paano ka na?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MARAMI ang nagtatanong sa akin kung ano ang gagawin ng mga mahihirap na pasyenteng may sakit sa puso. Lalo na kung medyo malala ang kondisyon at kailangan operahan na. Saan sila lalapit na ospital o doktor?

Ganito po ang dapat niyong gawin:

1. Pumunta sa Philippine Heart Center (PHC) o Philippine General Hospital (PGH) – Ang Philippine Heart Center ang pinakamalaking ospital para sa mga mahihirap na may sakit sa puso. Dalubhasa ang mga doktor dito.

2. Pumila sa Charity Out-Patient Department ng PHC o PGH – Dito po kayo pipila para malaman ang inyong sakit sa puso. Kaya lang po, kailangan niyong magtiis sa haba ng pila. Matagal ang proseso at marami ang may­sakit.

3. Magpa-interview sa Social Service ng PHC – Ang layunin natin dito ay ang makakuha ng mababang kate­gorya. Sa ganitong paraan, mabibigyan kayo ng pina­kamurang diskuwento para sa operasyon.

4. Alaming maigi ang sakit –Ano ang sabi ng doktor? Ano ang pangalan ng sakit? Bakit kailangang operahan? Itago ang lahat ng laboratory tests ninyo. I-xerox nang maraming kopya.

5. Kapag nadesisyonan na ng doktor na kailangan mo ng operasyon, alamin kung magkano ang gagas­tusin – Ang operasyon sa puso sa charity ward ay nag­mumula sa P20,000 hanggang P200,000. Huwag agad matakot sa presyo. Minsan ay bumababa naman ang presyong ito.

6. Kompletuhin ang lahat ng papeles — Kailangan ay kompleto ang inyong medical abstract, social service certification, barangay report, litrato, at iba pa. I-xerox ito at itago.

7. Huwag mawawalan ng pag-asa. Pumila lang ng maigi. Bumalik sa takdang petsa at huwag mag-absent. Isiping darating din ang tutulong.

8. Magpursige para ma­kalikom ng pera para sa ope­rasyon – Habang may buhay, may pag-asa. Subu­king humi­ngi ng tulong sa kamag-anak, kaibigan, pulitiko, kompanya, at charity foundations. Ang PCSO ay nagbibigay din ng dagdag pondo para sa ope­rasyon mula P10,000 hang­gang P15,000.

Magdasal maigi. Puwede rin kayong sumulat sa Philippine STAR Operation Dama­yan, Port Area, Manila. Min­san ay pumapayag ang STAR na mailathala ang kuwento ng pasyente sa kanilang pa­hayagan. Good luck po!

vuukle comment

ANG PHILIPPINE HEART CENTER

ANO

CHARITY OUT-PATIENT DEPARTMENT

HUWAG

OPERATION DAMA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

PHILIPPINE HEART CENTER

PORT AREA

PUMILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with