^

Napalpak ang pre-need plans dahil masyadong inabuso

HALA BIRA! - Danny Macabuhay () - March 21, 2009 - 12:00am

Tumatagal na nang husto ang ginagawang imbesti­gasyon ng Senado sa Legacy group of companies na pag-aari ni Celso delos Angeles. Lumalabas na malaki ang kasalanan ni Delos Angeles dahil ginamit nito ang perang dapat ay naka-deposit sa trust fund ng Legacy pre-need plans. Ayon sa regulasyon ng Securities and Exchange Commission (SEC), hindi dapat galawin ninu­man ang pera sa trust fund maliban sa trustee na malimit ay mga banko sapagkat ito ang nakareserba upang sumagot sa pagbabayad ng benepisyo na ibinibigay sa mga planholder.

Bago nabuking si De los Angeles, marami nang mga pre-need plan companies ang iniharap sa imbestigasyon. Maraming planholder ang mga nagreklamo dahil hindi nila nakuha ang mga ipinangako sa kanila na katulad ng naaayon sa educational plan na pinirmahan nila. Nabulgar ang mga kompanyang katulad ng College Assurance Plan (CAP) at Pacific Plans.

Dumami na nang husto ang pre-need plans na katulad ng memorial plan, educational plan at pension plan. Dahil nakita nilang pagkakakitaan nila nang malaki ang negos­yong ito, maraming kompanya ang pumasok dito sa­pagkat nakitaan nila ng butas na puwede nilang pagla­ruan ang trust fund ng pre-need plan companies. Puwe­deng gamitin nila sa pampersonal na bagay o sa pagpa­palago sa iba nilang kompanya.

Hindi alam sa Amerika ang pre-need plans sa Pilipinas dahil sa wala namang ganitong klaseng pre-need plans dito o sa ibang lugar sa mundo. Talagang mga Pinoy lamang ang nagpasimula nito noon pang dekada ’60 at ’70. Napakaganda sana ng simulain at intensiyon ng mga pre-need plans. Nilag­yan pa nga ng mga taong nag-umpisa nito nang pang-siguridad at ito nga ang trust fund. Kung tutuusin, marami na rin naman ang nakinabang nito sa mga kababayan natin. Ang pro­blema nga lamang ay may­­roong mga lumabag sa regulasyon ng trust fund at ng SEC, ang ahensiya ng gobyerno na dapat sumu­su­baybay at gumugu­war­diya sa mga pre-need plans.

COLLEGE ASSURANCE PLAN DELOS ANGELES NEED PACIFIC PLANS PLAN PLANS PRE SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with