^

PSN Opinyon

PNP at military uniforms, mahigpit na ipinagbabawal!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SERYOSO ang Philippine National Police sa kanilang kampanya laban sa mga sibilyang magsusuot ng unipormeng may tatak na SWAT (Special Weapons and Tactics) at may tatak din na PNP.

Kamakailan, naaresto ang isang 38 taong gulang na sibilyang lalaki dahil habang nakamotor ito ay suot-suot ang t-shirt na may tatak na SWAT.

Inihayag kamakailan ng National Capital Region Police Office ang pagbabawal sa pagsusuot ng PNP uniforms lalo na kung hindi naman tunay na awtoridad ang nagsusuot nito.

Ang kampanya ay bunsod ng mga kasong kinasasang­kutan ng iba’t-ibang sindikato na kalimitan ay PNP uniforms ang ginagamit ng mga ito.

Isa na rito ay ang iba’t ibang madudugong insidente ng robbery hold-up sa Metro Manila na ang suot ng sindikato ay may tatak na SWAT.

Isa itong taktika na ginagamit ng sindikato upang lituhin ang mga alagad ng batas sa oras ng bakbakan.

Hindi masisisi ang PNP sa pagbabawal sa ordinaryong paggamit ng kanilang uniporme lalo na’t kung sibilyan.

Maraming pagkakataon na rin na kung saan sa maliliit na lugar lamang o sa isang pamayanan, ang mga nagsisiga-siga­an at naghahari-harian sa lugar, ang ipinupronta ay mga kasuutang pampulis o militar.

Ganundin ang ilang abusadong motorista lalo na ‘yung mga gumagamit ng mga single motor. Para iwas traffic at batas trapiko, ginagawang display ang PNP o military uniforms para maging astig sa kalsada.

Marami rin ang hindi nakaaalam na hindi prebilehiyo ang pagsusuot ng mga unipormeng pang-alagad ng batas. Lingid sa kaalaman ng marami na ito ay delikado.

Maraming masasamang elemento na nagkalat sa lipunan ang maiinit ang bumbunan sa mga alagad ng batas.

Maaaring sa hindi inaasahang pagkakataon, sa galit ng mga ito sa mga otoridad at dahil nakasuot ka ng uniporme ng pulisya ay ma­pagkamalan kang ikaw ang kanilang kalaban.

Tulad ng PNP ay ga­nundin ang BITAG, hindi basta-basta makakaku­ha ng aming exclusive T-shirt maliban na lamang kung ikaw ay lehitimong empleyado ng BITAG.

Magkaroon man ang ilan sa malalapit naming kaibigan ay ina-advice naming ‘wag itong isuot sa pampublikong lugar. Paalala namin lagi sa BI­TAG na mas marami ang aming nakakaaway kaysa sa nagiging kaibigan.

Pag-iingat lamang ang mga babalang ito ng PNP at NCRPO na kung ating susundin ay malaki ang kontribusyon nito     sa pagsugpo ng krimen sa kapaligiran, kahit sim­pleng mamamayan ka lamang.

GANUNDIN

ISA

MARAMING

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

SHY

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with