^

PSN Opinyon

Mayroon nang sigla ang mga taga-San Fernando, Romblon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MATAPOS ang apat na buwang pagpupuyos ng kalo-oban ng mga residente ng Sitio Gabitanghan, Barangay Taclobo, San Fernando, Sibuyan Island, Romblon, muli silang nakitaan ng sigla nang matiyak na ligtas na ang kanilang karagatan sa lason dahil sa paglubog ng Princess of the Star ng Sulficio Lines.

Isa ako sa mapalad na nakarating sa lugar nang magkaroon ng misa ng pasasalamat sa pag-ahon ng mga nakakalasong kemikal na karga ng lumubog na barko. Halos lahat ay napangiti nang kanilang makita ang wa­ lang humpay na pagsusumikap at pagtutulungan ng   Philippine Coast Guard (PCG) Harbor Star at ng Sulfi-cio Lines na maiahon ang mga kemikal.

Sa ngayon, nakatutok naman ang atensyon ng mga diver sa paggalugad sa loob ng barko upang makuha ang mga pasaherong na-trap doon, kaya’t sa mga darating na mga araw ay maaari na silang mangisda sa karagatan.

Halos apat na buwan silang hindi nakapalaot mata-pos ipagbawal ng pamahalaan ang pangingisda kaya karamihan sa mga residente rito ay nakaranas ng gutom. Ang mamamayan ng San Fernando ay tanging pangi­ngisda ang ikinabubuhay kaya nang magkaroon ng tra­hedya sa lugar, nawalan na sila ng hanapbuhay. Sino ba naman ang mangingisda kung wala namang bibili o ka-kain ng kanilang mga huli.

Ngunit ngayon na unti-unti nang nalilinis ang kara-gatan ay muli na naman silang babalik sa kanilang hanap­buhay at makakaahon sa kahirapan.

Bilang pasasalamat sa pag-alis ng lason sa kani­lang karagatan, nagkaroon ng misa ng pasasalamat. Ang misa ay inorganisa ni San Fernando Mayor Na­nette Tansingco sa tabing dagat na abot tanaw ang barkong nakataob.

Dumating din sa natu­rang misa sina PCG Commandant Wilfredo Tamayo, Transportation Undersecre­tary Maria Elena Bautista, head ng Task Force Princess of the Star; Dr. Eric Tayag, chief of the Department of Health’s National Epidemology Center at Dr. Renato Bautista ng National Bureau of Investigations’ Medico Legal Division.

Matapos ang misa, sa-bay-sabay ang mga opis­yales ng pamahalaan at mamamayan ng San Fer­nado sa pagsaboy ng pu­lang bulaklak sa karaga- tan bilang alay sa mga bik­tima ng sakuna. Sina­bayan din ng pagpapaulan ng bulaklak mula sa Islander at chopper ng PCG.

At sa darating na December 8 hindi lamang ka­pistahan ang pagtutu­unan ng pansin ng pama­hala-    an ng San Fernando dahil ayon kay Mayor Tan­singco, mag­tatayo sila ng marker sa na­turang lugar bilang paggu­nita sa mala­gim na trahed­ya.

Nais kong pasalama- tan ang Philippine Coast Guard sa pagbigay sa akin ng slot na makasakay sa ka­nilang chopper na kinabi­bi­langan nina Commander Tamayo, Ang mga pilot na sina Lt. Commander Lito Andal, Co Pilot Lt. Senior Grade Roderick Denila at Flt Crew Andrew Pilon at Ship Captain LCDR. Mel­bert Aniversarion ng BRP Batangas na naghatid sa akin sa pampang ng San Fernando.

Mabuhay kayo mga sir!

vuukle comment

BARANGAY TACLOBO

CO PILOT LT

COMMANDANT WILFREDO TAMAYO

COMMANDER LITO ANDAL

COMMANDER TAMAYO

PHILIPPINE COAST GUARD

SAN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with