Ang kalagayan ng mga migrante

MINSAN pang nabigyan ng pandaigdigang atensyon ang kalagayan ng mga migrante sa Second Global Forum on Migration and Development (GFMD) na ginanap dito sa Pilipinas, kung saan umabot sa 163 bansa ang mayroong delegasyon sa naturang pagtitipon.

Base sa datos ng United Nations, noong 2005 ay uma­bot sa 191 milyon ang mga migrante sa buong mundo, kung saan humigit-kumulang 8.5 milyon dito ay mga OFW.

Umalingawngaw sa GFMD ang panawagan ni UN Secretary-General Ban Ki-moon sa lahat ng mga pama­halaan sa buong daigdig para gumawa ng sapat na mga patakaran at programa para sa proteksyon at kapakanan ng mga migrante, anuman ang nasyunalidad ng mga ito.

Partikular pa niyang pinuna ang mga exploitative practices o mga pagsasamantala na nagaganap sa iba’t ibang bansa laban sa mga migrante. Aniya, dapat nang mawa­kasan ang mga pagsasamantalang ito, at dapat paha­lagahan ng mga destination countries ang napakalaking kontribusyon ng mga migrante sa kanilang ekonomiya at lipunan.

Ang aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, na chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay ganito rin ang mata­gal nang panawagan.

Isang konkretong hakbang ni Jinggoy para dito ay ang patuloy na pagsusulong ng bilateral labor agreements      sa mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW.

Nawa, ang ginanap na GFMD ay magresulta sa kon-kreto ring mga hakbang ng bawat pamahalaan para sa kapakanan ng mga migrante.

Ang pamahalaan ng Pilipinas, na lubhang nakikinabang sa bilyun-bilyong dolyar na remittances ng mga OFW taun-taon, ay lalunang dapat gumawa ng mga malikhain at malalaking pagkilos para sa mga migranteng Pinoy.

Patuloy na nanana­wagan si Jinggoy sa pa­mahalaan na igiit ang bilateral agreements at magtayo ng mga em­bahada at consular office sa mga OFW destination countries.

Dapat din aniyang big­yan ng direkta at sa­pat na ayuda ng gob­yerno ang mga migrante, gayundin ang kanilang pamilyang pansaman­talang naiwan dito sa bansa.

Show comments