^

PSN Opinyon

Katandaan dapat ding sumunod sa kabataan

- Al G. Pedroche -
SABI ng katandaan sa kabataan: "Sumunod kayo sa mga nakatatanda." Hindi laging tama iyan. Halimbawa, napapansin n’yo ba na ang bawat galaw sa pamahalaan na pinalalakad ng mga nakatatanda ay laging may kulay politika? Dahilan iyan para ang operasyon ng gobyerno ay maparalisa. Sana magbago ang ganitong takbo. Kung ang mga umuugit ng gobyerno ay mabibigyang-inspirasyon lamang ng mga idealistic na kabataan, tiyak kong iigi ang takbo ng gobyerno. Hindi tayo nagkukulang sa mga ideyalistikong kabataan.

Isang kabataang civic worker ang nagpabilib sa’kin. Ito si Erwin Genuino, na sa batang edad na 25 ay deeply involved na sa mga gawaing sibiko at tumutulong sa mga maralita. Sana’y dumami pa ang katulad niya sa modernong panahong lubhang marami ang makasarili at walang well meaning interest to serve. Tingin ko, kung minsa’y dapat ding sundan ng mga katandaan ang mabuting yapak at prinsipyo ng mga bata. Mga batang walang halong pag-iimbot ang hangaring maglingkod.

Si Erwin ay may organisasyon na kung tawagi’y Welfare Integrated Network o WIN. Itinuturing na pinakamatayog na kaganapan sa batang karera nito sa larangan ng serbisyo publiko ang pagkakatatag ng samahang WIN na instrumento nito sa pagpapalaganap ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan ng Makati sa aspetong pangkalusugan, pangkabuhayan at pang-edukasyon.

Halimbawa sa mga programang ito ay ang mga medical missions, nutrition drives, health and fitness awareness at iba’t iba pang gawaing pangkomunidad na naglalayong matulungan ang mga lahat lalo na ang mga gipit o walang kakayanan. Sa pagpupunyagi ni Erwin na paglingkuran ang mga kapuspalad, hindi malayong maimpluwensyahan nito ang ibang kabataang umahon sa pagkalunod sa makabagong teknolohiya at simulang pandayin ang pundasyon ng isang matatag na kinabukasan para sa ating bansa.

Maningning na hinaharap ng liderato ng Lungsod ng Makati kung saan ito ay isang huwarang residente.

Congratulations kay Rotarian at PAGCOR chairman Efraim Genuino sa pagkakaroon ng anak gaya ni Erwin. Wika nga, kung ano ang puno ay siyang bunga. Nawa’y sa pamamagitan ni Erwin ay magising ang kamalayan hindi lang ng mga kabataan kundi pati na ang mga matatandang politiko sa tunay na kahulugan ng paglilingkod sa bayan na walang makasariling interes.

vuukle comment

DAHILAN

EFRAIM GENUINO

ERWIN

ERWIN GENUINO

HALIMBAWA

MAKATI

SANA

SI ERWIN

WELFARE INTEGRATED NETWORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with