Nilinaw naman ng mga opisyal ng DepEd na ang sex education ay naglalayon na ganap na maintindihan ng mga kabataan ang sekswalidad at para rin maiwasan ang unwanted pregnancy, sexually transmitted diseases at iba pang problema. Layunin din ng programa na ituro ang reproductive health at ang pinsala ng pagdami ng populasyon na pangunahing dahilan ng kahirapan.
Malakas ang impluwensiya ng simbahan ngunit dapat ding maging bukas ang mga mata ng mga relihiyoso na hindi makatarungan na ipagbawal ang sex education manapay dapat na rebyuhin ang tinatawag na "modules" para mapaalis ang maling pananaw tungkol sa sex. Dapat din nilang isipin na ang mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ay marami nang nalalaman tungkol sa sex kaya dapat na silay pangalagaan at subaybayan para hindi sila magkasala, kagaya ng pagkalulong sa pornographic materials. Dahil sa kakulangan ng kaalaman kaya marami ang nagsasagawa ng premarital sex , marami ang maagang nabubuntis na ang ibay nagpapalaglag. Hindi alam ng mga babaing nagpapalaglag ang kanilang masamang gawain.