^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Staple wires bill ni Lapid

-
SALAMAT naman at naisip ni Sen. Lito Lapid na ipagbawal ang paggamit ng staple wires para sa packaging ng pagkain. Kapag nakapasa ang kanyang Senate Bill No. 2239, tapos na ang maliligayang araw ng mga may-ari ng food companies na ang ginagamit na medium ay staple wires para maisara ang naka-paketeng pagkain. Hindi lamang ang mga food companies kundi pati na rin ang mga hotels, restaurants, food chains, canteens, markets, at lahat ng mga establishments na nagpo-produce ng pagkain. Pati ang mga vendors ay hindi rin ligtas sa panukalang batas ni Lapid. Ang mga violators ayon kay Lapid ay magmumulta ng mula P5,000 hanggang P50,000 o pagkabilanggo ng anim na buwan.

Salamat at may naisip na batas si Lapid. At mahalaga ang batas na kanyang naisip. Kung hindi nga naman magiging mahigpit laban sa mga gumagawa ng ipinagbebentang pagkain kawawa naman ang sambayanan. Mahal na nga ang bilihin lalo ang pagkain ay magiging dahilan pa ng pagkakasakit o baka pagkamatay.

Napansin ni Lapid na marami pa ring food manufacturers ang gumagamit ng staple wires at hindi nila binibigyang halaga kung makasasama ba ang paggamit ng staple wires sa packaging ng produkto.

Marami nang pangyayari na ang ginamit na staples wires ay nasasama sa mismong pagkain. Kapag inalis ang staple wires sa balot ng pagkain, maaaring tumalsik ang mga ito at mapasama sa pagkain. Iyon ang magiging dahilan para makain ng kostumer ang wire. Karamihan din naman sa mga staple wires ay kinakalawang at kung ganito karumi ang malalagay sa pagkain, tetanu ang aabutin.

Isulong ni Lapid ang kanyang batas at nang kahit paano ay hindi masabing nagbubutas siya ng upuan. Mahalagang maipasa ang batas na ito at nang mapangalagaan ang taumbayan.

Kung naisip ni Lapid ang panukalang batas, nararapat din namang mag-isip siya ng batas kung paano naman mapangangalagaan ang taumbayan laban sa mga food manufacturers na ang produkto ay kakikitaan ng mga uod, bubog, langaw, buhok at kung anu-ano pa na tila hindi na dumaan sa quality control. Kung naisip ni Lapid ang kaligtasan ng mga consumers, dapat magpasa siya ng batas na magpaparusa sa mga food companies dahil sa pagiging marumi. Kadalasan, nababalewala ang reklamo ng consumers laban sa restaurant o food chain. Hindi na naghahabol ang consumers sapagkat para sa kanya wala rin namang mangyayari.

BATAS

FOOD

KAPAG

KUNG

LAPID

LITO LAPID

PAGKAIN

SENATE BILL NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with