^

PSN Opinyon

‘Batuhan ng putik’ sa Senado

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

ISANG nakadidismayang palabas na naman ang nasaksihan ng taumbayan sa bulwagan ng Senado kamakailan kung paano naaantala ang serbisyo publiko dahil sa pulitika.

Sa halip na magpatupad ng mga batas na mag-aahon sa kahirapan ng taumbayan ay tila naging entablado na naman ito ng walang katapusang “batuhan ng putik” ng mga pulitikong nagbibida-bida.

Isa na rito ang matinding patutsadahan sa pagitan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Panfilo Lacson nang tawagin ng una na “aso” at “tuta” ang ilang kapwa senador.

Rumesbak si Lacson at tinawag na “basura” ang 28-araw na termino ni Cayetano bilang Senate President dahil naaksaya ang humigit-kumulang P700 milyon na pondo ng bayan. Ayon kay Lacson, bukod sa nasayang na pera, nagdulot lamang ito ng gulo sa Senado.

Sagot naman ni Cayetano, “intellectually dishonest” ang komputasyon ni Lacson at iginiit na ang nasabing P700 milyon ay hindi simpleng natapon kundi pangkalahatang gastos ng Senado sa nasabing panahon.

Sa gitna ng mga isyu tulad ng mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa trabaho, ang maririnig natin mula sa Senado ay mga paratang, paninira, at paghahanap ng bahid ng dumi sa isa’t isa. Sa halip na magkaroon ng konstruktibong debate para sa ikabubuti ng bayan, nauuwi ang mga pagdinig sa personalan. Bawat isa ay gustong lumabas na bida habang ibinababa ang kredibilidad ng kabilang panig. Ang masaklap, ang putik na kanilang ibinabato ay hindi lamang sa kanilang mga kalaban tumatama—nadudungisan din nito ang buong institusyon ng Senado.

Hindi na kailangan ng taumbayan na mas marami pang putik sa lipunan; ang kailangan ay mga lider na magtatrabaho nang malinis para sa bayan. Nakalulungkot makita ang personalan, paninira, at pagpapakitang-tao. Sa bawat araw na nasasayang sa ganitong uri ng pulitika, ang mga Pilipino na naghahanap ng totoong serbisyo ang siyang talo.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with