^

PSN Opinyon

Ano ang New Year’s resolution mo?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
TUWING magpapalit ang taon ang bawat isa ay may kanya-kanyang New Year’s Resolutions. Mas marami ang gustong tanggalin ang maraming negatibo sa kanilang sistema para na rin sa personal na kadahilanan. Si President Gloria Macapagal-Arroyo ay nagsabi na ang New Year’s resolution niya ay ang piliting tanggalin ang kanyang pagtataray at pagkapikon na ilang Bagong Taon na ring maririnig sa kanya pero hindi naman nangyari pero umaasa si PGMA na ‘‘if at first you won’t succeed try again!’’

Maraming taong gobyerno ang nagpasasa at patuloy na nagsasamantala sa kabang-yaman ng bayan. Ilang heneral ang napatunayan na nagkamal ng ill-gotten wealth subalit lahat ng material things and comforts na tinamasa nila ay naglahong parang bula. Hindi kaya nakokonsensiya ang mga government officials na ito na naatim nilang pakainin ang kanilang pamilya sa bunga ng kanilang pangungurakot at katiwalian?

New Year’s resolution nang maraming estudyante na pagbubutihin nila ang pag-aaral sa taong ito. Sa halip na maglamyerda, mag-malling at gumimik ay magko-concentrate sila sa kanilang studies. Daapt lang dahil ang salaping ginagastos nila sa pag-aaral ay pinaghirapan ng kanilang mga magulang.

Meron pang naglilista ng kanilang New Year’s resolutions. Ang payo ng BANTAY KAPWA sa kanila ay humarap sila sa salamin at kausapin ang kanilang ‘‘reflection’’ na animo’y budhi nila ang nag-uusap. Tanungin kung siya’y tapat o plastik, mainggitin, mapagsamantala at sinungaling.

vuukle comment

BAGONG TAON

DAAPT

ILANG

KANILANG

MARAMING

MERON

NEW

NEW YEAR

SI PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TANUNGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with