^

PSN Opinyon

FPJ nilason? Mahirap sakyan

- Al G. Pedroche -
I THINK it was Senator Juan Ponce Enrile who once said that this Jonathan Tiongco is a crackpot (may sayad). Ang taong ito ang nagdawit noong araw kay DILG Sec. Angelo Reyes na utak ng mga nagaganap na kidnapping sa bansa.

Kamakailan lumantad na naman siya bilang backup ni DENR Secretary Mike Defensor nang iharap sa media ang findings diumano ng isang US audio expert na nagsabing ang kontrobersyal na "Hello Garci" tape ay "dinuktor."

Pero hindi ang "Hello Garci" ang tatalakayin natin kundi ang pahayag ni Tiongco na si yumaong presidential aspirant Fernando Poe Jr. ay hindi talaga na-stroke kundi "nilason" ng sariling kasamahan sa oposisyon. Katawatawang alegasyon. Gusto ko na yatang maniwalang "may sayad" ang taong ito.

Ano ba ang pakay sa buhay nitong si Tiongco? Kung ang layunin niya’y idepensa si Presidente Arroyo palpak siya. Lalo lamang niyang ibinabaon ang Pangulo sa kahihiyan. Lalo ring iisipin ng taumbayan na desperado na ang gobyerno sa paghabi ng kasinungalingan upang wasakin ang mga kalaban. Mahirap kasing paniwalaan ang ganyang akusasyon.

Ewan ko kung sariling diskarte ito ni Tiongco o may basbas ng administrasyon. Puwede ring reversed psychology na ang talagang layunin ay palitawing despe-rado na si President Gloria sa paghahanap ng butas na malulusutan.

Lumutang kamakailan si Tiongco bilang backup ni DENR Sec, Mike Defensor nang ilantad ng huli ang resulta ng pagsusuri ng isang US audio expert na nagsasabing "dinuktor" ang kontrobersyal na "Hello Garci" tape.

Magugunita na namatay si FPJ dahil sa "brain attack" sa ginanap na Christmas party sa FPJ Studio sa Quezon City. Mabilis siyang isinugod sa St. Lukes Hospital pero di nagtagal ay namatay ang aktor na dating presidential candidate.

Hindi tumukoy ng pangalan si Tiongco. Saka na lang daw niya ibubunyag ang mga suspek. Sa tamang panahon. Ngunit sinampahan niya ng kasong "conspiracy to commit inciting to sedition at obstruction of justice sa Department of Justice sina Sen. Ping Lacson at Jinggoy Estrada, Congressmen Crispin Remulla at Francis Escudero. Kasama ring kinasuhan ang ilang personalidad na kilalang nagdidiin sa Pangulo tulad nina Horacio Morales at mga jueteng witness na sina Sandra Cam at Wilfredo Mayor. Nakuntento na lang sana si Tiongco sa paghaharap ng kaso sa mga naturang personalidad. Pero hindi. Nagpakontrobersyal pa sa pagsasabing "nilason si Da King".

Isa lamang ang masasabi ko sa pakulo ni Tiongco. "Istayl mo bulok!"

vuukle comment

ANGELO REYES

CONGRESSMEN CRISPIN REMULLA

DA KING

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERNANDO POE JR.

FRANCIS ESCUDERO

HELLO GARCI

HORACIO MORALES

TIONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with