^

PSN Opinyon

Libreng kagamitan sa paglilinis ng hangin

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG Department of Environment and Natural Resources ay magbibigay ng libreng mga kagamitan sa mga refrigerator at aircondioner service shops sa buong bansa na magagamit nila sa pagbibigay ng episyenteng serbisyo para sa tinatawag na refrigeration and air conditioning (RAC) at mobile Air conditioning (MAC).

Ito ay magiging posible sa pamamagitan ng Voucher System na itinalaga ng Philippine Ozone Desk ng DENR. Isa ito sa mga estratehiya na nakapaloob sa National CFC (chlorofluoracarbon) Phase-Out Plan upang tuluyan ng matigil ang paggamit ng CFC sa bansa.

Ang CFCs na ginagamit bilang cooling agent para sa mga refrigerator at air conditioner ay nakasisira sa ating ozone layer. Kaya pumasok sa isang pandaigdigang kasunduan ang ating bansa sa pamamagitan ng Montreal Protocol on Substances that Deplete the Ozone Layer.

Sa ilalim ng Voucher System ang DENR ay mag-iisyu ng voucher para sa tulong pinansiyal sa mga karapat-dapat na service enterprises na bumili ng mga mahahalagang kagamitan para sa tamang pangangalaga ng CFC na karaniwang tinatawag na freon.

isa itong mahalagang paanyaya para sa mga refrigeration at air conditioning service shops. Makipag-ugnayan lang sa NCPP project Management Unit ng DENR at maging kaakibat po sana namin kayo upang maisulong ang paglilinis ng hangin.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPLETE THE OZONE LAYER

ISA

MANAGEMENT UNIT

MONTREAL PROTOCOL

PHASE-OUT PLAN

PHILIPPINE OZONE DESK

VOUCHER SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with